^

Pang Movies

Musical play ng libro ni Rita dinumog

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Minsan ay nagtaka kami kung bakit mara­ming kano ang palakad-lakad sa Castro Medical Clinic. Well, later on ay nalaman na lang namin na may pala pala roon ang Magpahanggang Wakas at kinukunan ang eksena ni Arci Muñoz na kunwari ay sa abroad nanganak.

Namataan din namin sina Rita Avila at John Estrada at naikuwento ng aktres na maganda ang resulta ng musical play ng kanyang librong Ang Hindi Nakikitang Pakpak. Ipinalabas ito sa St. Scholastica’s College at maraming bata at estudyante ang nanood.

Jose at Wally masyado raw mahabang makipagdaldalan

Masaya na uli ang Eat Bulaga dahil nagbalik na ang mga tumatangkilik sa noontime show. Medyo lumamlam kasi ang show nang tanggalin ang Kalyesere dahil nakakasawa na ang paulit-ulit na kiligan. Ang problema lang, may mga komento na dapat daw ay tapyasan ng kaunti ang panayam nina Jose Manalo at Wally Bayola sa mga napipiling manalo sa sugod-bahay. Mahaba raw kasi ang interbyu ni Jose at naiinip sila. Besides, hindi naman sila interesado sa kuwento ng hirap ng buhay araw-araw. Nauubos lang daw ang oras para sa mga idolo nilang sina Alden Richards at Maine Mendoza. Mabuti pa raw na sina Anjo Yllana at Jimmy Santos na lang ang mag-interbyu para kaunting tanong at sagot na lang.

Well suggestion nila ‘yan kaya dapat pakinggan ng EB.

Mga batang lansangan sa Baliuag nasa pelikula ni Buboy

Premiere showing ng pelikulang Mga Batang Lansangan sa SM Baliuag sa October 29, sa ganap na ika-10 ng umaga. Darating sa sinehan ang mga bidang bituin ng naturang pelikula na sina Buboy Villar, Jeffrey Santos, Regine Angeles, Lito dela Cruz at ang singer na introducing sa pelikulang si Miguel Antonio.

Nag-shoot pala ang grupo at isinali ang mga batang lansangan sa Baliuag Park. Teka, saan ba galing ang mga batang ‘yan na akala ng mga taga-Baliuag ay inayos na ng lokal na pamahalaan? Inaasahan din ang pagsipot ni Snooky Serna kung wala raw itong commitment.

Sa ilalim ito ng direksyon ni Mike Magat na tampok din sa pelikula.

vuukle comment

RITA AVILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with