^

Pang Movies

Denise nakatikim sa fans ng Ginebra!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Denise nakatikim sa fans ng Ginebra!
Denise

Imbes na magkaroon ng sympathy si Denise Laurel sa kanyang pag-announce on social media na hiwalay na sila ng kanyang fiancé na PBA cager na si Sol Mercado, nakatanggap pa siya ng bashing dahil mali raw ang timing nito.

In-announce ni Denise ang paghihiwalay nila pagkatapos na pagkatapos ng laban ng team ni Sol na Barangay Ginebra Gin King sa PBA Governor’s Cup kung saan sila ang nag-champion.

Ayon sa isang netizen, “Must be tough to be Sol Mercado. One day, you win your first championship, the next day, you get dumped by your fiancee. Whut?”

Humingi naman ng tawad si Denise dahil sa tila bad timing ng kanyang public announcement at nilinaw na hindi niya iniwan si Sol.

Tweet naman ng isa pang netizen, “been friends since, but announced it now? I can smell revenge or what. So insensitive tho. Social media kills anything in its path.”

Sinagot naman ito ng aktres na “no revenge at all”.

Noong 2014 na-engaged si Denise kay Sol at nakaplano na ang kasal nila sa taong ito.

Noong buwan ng May pa dapat sila ikinasal, pero hindi ito natuloy dahil sa hindi maiiwasan na dahilan.

May isang anak si Denise mula sa isang dating karelasyon na isang foreigner. Itinuring nga raw ni Sol na parang anak niya ito.

John natuwa nang makita ang mukha sa pog

Hindi naiwasan ng Encantadia actor na si John Arcilla na i-share sa Instagram ang kanyang nadiskubre sa Cavite.

Nakita niya ang mga bata roon na naglalaro ng “pog”. At ang naka-print sa mga Pog ay ang mukha ni Hagorn, ang character na ginagampanan niya sa Encantadia.

Ibig sabihin nito ay gano’n na kasikat ang kanilang telefantasya at ginagamit na ito sa laruan.

“Hagorns are among the Pogs of these kids in Cavite. I remember playing this game when I was a kid and we called it “TEX.” It was then a rectangular card printed with DC and Marvel characters. Now, Filipino kids are enjoying our own cartoon or fantasy Icons. Amazing,” caption pa ni John.

Betong dinamayan si Alma

Hindi makapaniwala ang Kapuso comedian na si Betong Sumaya na nakakatrabaho na niya ang mga artistang pinapanood lang noon na sina Gabby Concepcion at Alma Moreno.

Kasama kasi sa cast ng Tsuper Hero si Betong kung saan bida ang loveteam nila Bea Binene at Derrick Monasterio.

Isa nga pala si Betong sa nagparamdam ng kanyang lungkot kay Alma noong araw na makulong si Mark Anthony Fernandez. Bumilib daw si Betong sa pagiging professional ni Alma sa gitna ng mga pangyayaring iyon sa pamilya niya.

“Kasi ang hirap nung pinagdadaanan niya siyempre at the same time ‘yung eksena pa namin sa presinto talaga.

“Pero kita mo naman talaga si Ms. Alma, talagang very professional nagawa niya pa rin,” pagtapos ni Betong Sumaya.

vuukle comment

DENISE LAUREL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with