^

Pang Movies

Nasa Malacañang na kilalang aktres at matinee idol nangunguna raw sa listahan ng mga adik!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kinumpirma na ni PNP Chief, General Ro­nald dela Rosa na ibinigay na niya sa Malacañang ang drug list na naglalaman ng pangalan ng 30 celebrities. Tandaan ninyo ha, hindi sinabing mga artista iyan o mga taga-showbiz. Celebrities ang sinabi. Ibig sabihin, maaaring nasa fashion sila, o anumang iba pang pinagkakaabalahan basta ang tingin sa kanila ay celebrities.

Nasa Malacañang na iyan ngayon kung bubuksan nila sa publiko kung sinu-snio ang nasa drug list. Habang hindi binubuksan, lalong lalala ang mga espekulasyon kung sinu-sino ang mga cele­brities na kabilang sa listahan at maaaring marami pa ang madamay.

Mayroon kaming impormante na nagsasabing kasama sa listahan maging ang ilang artistang diumano ay sumailalim na sa drug testing at lumabas na “negative”. Ang test ay isinagawa raw ng isang pribadong medical laboratory, at hindi sa ilalim ng supervision ng PNP o ng NBI. Pero ang pangalan nila ay “ikinanta” ng mga nauna nang nahuli dahil sa droga. Inamin din naman ng PNP na may mga ikinanta sina Sabrina M at Krista Miller. May nakuha rin daw na mga pangalan mula kay DJ na si Karen Bordador at sa boyfriend nito. May ilan pa ring pushers na sinasabing may mga kliyenteng artista na pumiyok na rin.

Sana lang tama ang tono ng kanta nila, dahil kung hindi kawawa naman ang madadamay.

Pero hindi nagkulang ang gobyerno eh. Nanawagan naman sila na kung gumagamit ng droga, sumuko na para matulungan sila at maiwasan ang pagkapahiya. Maski na nga si Rez Cortez na presidente ng Kapisanan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon (KAPPT), hinihikayat silang lumabas na at tutulungan silang mag-rehab nang pribado, maiiwasan pa ang iskandalo. Pero may mga matitigas ngang ayaw sumuko at mukhang naghihintay pa talagang ma-tokhang sila.

Tama ba ang narinig naming nangunguna sa listahan ang isang kilalang aktres at isang matinee idol?

Winners ng Star Awards wala nga bang kumontra?!

Hindi naging kontrobersiyal ang awards ngayon ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa musika at telebisyon. Mukhang wala namang umangal sa kanilang resulta eh. Mukhang maging ang members nila ay happy ngayon. May panahon kasing kahit na mga miyembro nila ay duda sa mga nananalo.

Ang sabi nga ng kanilang presidenteng si Fernan de Guzman, mukhang napatino na nila ang ibang guma­gawa ng milagro. Ang iba naman kasi ay nawala na rin sa PMPC. Iyon naman ang mahalaga eh, kung nagkakamali man, dapat magkaroon ng imbestigasyon at kung kailangang alisin ang mga may kasalanan, gawin iyon para mas mapalawak ang kredibilidad ng samahan.

Napakapangit lalo na ang naririnig nating ginagawa ng ibang miyembro pa mismo ng award-giving body ang “yumayari” ng mga award. Kaya nga nawalan na rin ang kredibilidad ng mga iyan dahil sa ganoong trabaho ng mga “bad eggs”.

Baguhang aktor tinanggal sa serye nang tumangging makipag-date kay Direk!

Bakit ka naman ganoon direk? Nang tumanggi raw pumayag na makipag-date sa kanya ang isang male newcomer, biglang cancelled ang taping at hindi na isinama sa serye. Kasama ba talaga ang pakikipag-date kay direk sa audition?

vuukle comment

MALACAÑANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with