^

Pang Movies

Albie nagbubunyi pa na ‘nawalan’ ng anak

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Albie nagbubunyi pa na �nawalan� ng anak
Albie Casiño

Hindi pa nagsasalubong ng landas sina Andi Eigenmann at Albie Casiño matapos pumutok ang balitang hindi ang aktor ang ama ni Ellie kundi si Jake Ejercito.

“I just wanted to be civil with her because I wasn’t’ sure. I was asked for DNA test. I didn’t take DNA test.

“I had a feeling it wasn’t my baby but I wasn’t sure. So I just wanted to be nice. I’m a nice guy in general. I wanted to build a good relationship just in case, it was a plan B.

“Just in case it was my baby, I can hang out so we will be in good terms. Now, I don’t have to worry about that. It’s not my baby,” pahayag ni Albie nang makausap ng bloggers sa blogcon ng Regal movie na The Escort kung saan isa siya sa cast.

‘Pag nakita niya si Andi ngayon, ano ang puwede niyang masabi?

“Wazz up?! Wazz up?! Ha! Ha! Ha!’ bulalas ni Albie na tapos na ang kinasangkutang kontrobersiya.

Kim itsapuwera sa Ginebra!

Itsapuwera yata si Kim Domingo sa fans day ng Ginebra San Miguel kahapon. Sa social media, pawang ang buong team at officials ang kasama ng recent PBA champion! Wala kaming nakitang post na dumalo ang 2017 Calendar girl ng GSM!

Eh sa launching ni Kim bilang calendar girl, type pa naman daw niyang ma-meet (and greet?) ang buong team, huh! That time kasi na ni-launch siya ng tanghali, Game 6 naman kinagabihan ng Best of Seven series ng team versus Meralco. As we all know, Ginebra ang champion.

Naku, kapag nagkaroon ng chance ang buong team na ma-meet in person si Kim, siguradong pipilahan siya para magpa-selfie, huh! For sure, kakayanin lahat ni Kim ang buong team na magkaroon ng selfie sa kanya, huh!

What do you think, Salve A.?

Benjie, Irma, at Ina nasasakyan ang Trops

Nasasakyan naman ng veteran stars na sina Benjie Paras, Irma Adlawan, at Ina Raymundo ang millennial stars na bida sa bagong morning show na Trops. Bida sa programa ang anim na That’s My Bae ng Eat Bulaga kasama ang bagong dagdag na junior host ng noontime show na si Taki.

“Kung respeto ang pag-uusapan, sobrang respeto nila sa amin. Minsan nga, ang tingin ko sa sarili ko, santo eh! Kulang na lang dasalan ako. Nakaka-relate ako kasi usually ang role ko, tatay ng teenager,” saad ni Benjie.

“So far so good. Everybody is good to me! Nobody acts like they know what they’re doing and that looks good. Keep it up. basta trabaho, trabaho, laro, laro. Ganoon naman sila. ‘Pag naglokokohan, naglolokohan!” sabi naman ni Irma.

“I’m going through mid-life crisis kaya relate na relate ako sa mga kabataang ito. I can tell na mag-i-enjoy ko rito. Marespeto sila, ‘pag nagkikita kami, pumipila sila sa akin para makabeso! Ang cute! Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Ina.

vuukle comment

ALBIE CASIÑO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with