^

PM Sports

Pocari lalapit sa semis

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hangad ngayon ng Pocari Lady Warriors na makasiguro  ng playoff para sa huling slot ng semifinals sa kanilang  nakatakdang paghaharap sa Laoag Power Smashers sa pagpapatuloy ng  Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference na gaganapin sa Philsports Arena sa Pasig City.

Makaraang magwagi kontra sa paboritong Bureau of Customs ni Alyssa Valdez, 25-22, 25-22, 25-14 noong Sabado ng gabi, mataas ang kumpiyansa ng Lady Warriors sa sagupaan nila kontra sa Power Smashers sa dakong alas-4 ng hapon.

Maglalaban naman ang Philippine Air Force at University of the Philippines Lady Maroons sa alas-6:00 ng gabi habang ang Cignal at Philippine Army ay magtatagpo sa alas-12:30 ng tanghali para sa Spiker’s Turf Reinforced Conference sa parehong venue.

Ang panalo ng Pocari sa Customs Transformers ay ang kanilang ikatlong sunod simula nang matalo sila sa Air Force Jet Spikers noong Oct. 5.

Hawak na nila ang ikalawang puwesto kasama ang BaliPure sa parehong 3-1 win-loss slate habang ang Customs ay nahulog sa solo fourth spot sa 3-2 record.

Mayroon pang apat na playing dates ang natitira bago matapos ang single round elimination at ta-nging ang UST Tigresses pa lamang ang sigurado na sa semifinal round sa 5-1 slate.

Ngunit hindi puwe-deng mag-relax ang Pocari dahil ang Laoag na tangan ang 2-3 card ay kailangang manalo dahil  kung hindi ay tanggal na rin sila sa semis race. Galing rin ang Laoag sa back-to-back win kabilang na ang panalo sa UP Lady Maroons at UST Tigresses.

Tiyak na pangungunahan na naman ng dalawang imports na sina Breanna Mackie at Kay Kacsits ang Pocari Sweat katulong sina Myla Pablo, Michele Gumabao, Siemens Dadang at Fil-Am setter na si Iris Tolenada.

vuukle comment

POCARI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with