FIVB Women’s Club World Championship: Vakifbank nakontento sa bronze medal
MANILA, Philippines – Bumalik ang matinding laro ng Vakifbank sa deciding set upang igupo ang Volero Zurich, 25-14, 21-25, 25-22, 25-11 para makopo ang bronze medal sa FIVB Women’s Club World Championship na handog ng PLDT kahapon sa Mall of Asia Arena.
Sinandalan ng Vakifbank, nanalo ng gold medal noong 2013, sa kanilang mahusay na depensa para sa magandang pagtatapos sa torneong ito na inorganisa ng Philippine Superliga and Eventcourt with TV5, Petron, Nature’s Spring, Asics, BMW at F2 Logistics bilang sponsors, Diamond Hotel bilang official residence at Turkish Airlines bilang official airlines.
Nauna rito, dumaan sa butas ng karayom ang Re-xona-Sesc Rio bago maigupo ang Hisamitsu Springs Kobe, 20-25, 25-22, 25-15, 30-32, 15-7 at makontento sa fifth place sa world-class event na ito na suportado rin ng Philippine Sports Commission, Philippine Amusement and Gaming Corp., San Miguel Corporation, Rexona, Mall of Asia Arena, Foton at Price Waterhouse Cooper kasama ang Mikasa, Gerflor at Jinling bilang technical sponsors.
Naisalba naman ng Bangkok Glass ang seventh place matapos igupo ang host team PSL-F2 Logistics Manila, 25-16, 25-23, 25-20 sa kanilang unang panalo sa torneo.
Kasalukuyan pang naglalaban ang defending champion Eczacibasi VitrA Istanbul at Pomi Casalmaggiore para sa titulo.
- Latest