6 bahay sinunog ng BIFF
MANILA, Philippines – Nasa anim kabahayan sa Barangay Palongoguen, Midsayap, North Cotabato ang sinunog ng mga armadong grupo kamakalawa ng gabi.
Sa ulat na nakarating kay 34th Infantry Battalion Philippine Army Commanding Officer, Colonel Edgar Delos Reyes, dakong alas-10:15 ng gabi nang sinalakay ng tinatayang 20 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang isang Cafgu Detachment sa Barangay Palongoguen Midsayap North Cotabato na agad natunugan kaya’t lumaban ang mga miyembro ng Para-Military Troopers at bago umatras ang mga bandido at sinunog ang anim na bahay ng mga sibilyan.
- Latest