^

Police Metro

Mag-utol, 1 pa todas sa pulis

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tatlong katao ang nasawi kabilang ang isang magkapatid nang manlaban umano ang mga ito sa mga operatiba ng Manila Police District-Station-6  na may dalang search warrant kaugnay sa iligal na droga naganap kahapon ng madaling araw sa Sta. Ana, Maynila.

Ang mga suspek na namatay habang dinadala sa ospital ay  kinilalang sina Jerson M. Colaban alyas ‘Dodong Mata’, 36; Jossing M. Colaban, 30; at  Joseph Baculi  alyas ‘Bon Jovi,’nasa hustong gulang, pawang residente ng  no. Oro Extension, Sta. Ana, Maynila.

Batay sa ulat, bago nangyari ang barilan, dakong ala-1:40 ng madaling araw sa loob ng bahay ng mga suspek ay pinuntahan ito ng mga kagawad ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Unit (SAID-SOTU) ang bahay ng mga suspek  bitbit ang search warrant.

Nang hahalughugin ang bahay ay biglang nagbunot ng baril ang mga suspek at nauwi sa shootout na kung saan ay tinamaan ang mga suspek. Nakuha sa crime scene ang 7 sachet ng shabu.

vuukle comment

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with