^

Police Metro

Drug addict utas sa hostage drama

Cristina Timbang, Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dead on the spot ang isang 33-anyos na lalaki na bangag sa droga matapos na barilin ng mga pulis nang i-hostage nito ang tatlong katao kabilang ang dalawang bata naganap kamakalawa sa isang compound sa Brgy.Salitran 1, Dasmariñas City, Cavite.

Ang napatay na suspek ay kinilalang si Peter Adricula, residente ng Blk 19, Lot 12, Regina Ville 2000, Phase 2, Brgy. Inocencio, Trece Martirez City, Cavite.

Nasugatan at kasalukuyang ginagamot sa ospital ang mga biktimang sina Janielsa Fajanil, 8-an­yos; at Marian Tarazona, 20-anyos, kapwa residente ng Rembulat Compound ng nasabing lugar. Nakaligtas naman ang 1-anyos na si Jeremia Fajanil matapos palayain ng suspek.

Batay sa ulat,bago nangyari ang krimen dakong ala-1:45 ng hapon ay bigla na lamang pumasok ang suspek sa nasabing compound na armado ng patalim na  bigla na lamang nagwala at binihag ang tatlong biktima.

Agad na kinordon ng pulisya ang lugar at naki­pagnegosasyon sa suspek.

Humiling ang suspek na padalhan siya ng media personalities para umano mapanood siya at isang sasakyan

Alas-3:00 ng hapon nang pakawalan ng suspek si Jeremiah at habang hinihintay ang media na noon ay bandang alas-5:45 ng hapon ay biglang nagsisigaw ang suspek at inundayan ng mga saksak ang dalawang biktima.

Dito na kumilos ang pulisya at binaril ang suspek at namatay noon din habang ang dalawang biktima ay dinala sa pagamutan.

Nabatid na bangag sa droga ang suspek at dumayo sa nasabing lugar upang umiskor ng shabu.

vuukle comment

DRUG ADDICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with