^

Pang Movies

Nora wa nang magic, pinatataob ng mga baguhan?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ang usapan noong isang gabi, mukhang wala na raw ang magic ni Nora Aunor na lagi siyang nananalong best actress. Nitong nakaraang Quezon City Film Festival, tinalo siya ng isang baguhan, si Laila Ulao na ang sabi ay isang nurse sa totoong buhay. Hindi namin alam kung iyan ay sumailalim sa workshop o ano, pero tiyak ang kanyang training ay hindi kasing lawak ng karanasan ni Nora Aunor, pero tinalo niya ang Superstar.

Hindi iyan ang kauna-unahang pagkakataon na si Nora Aunor ay pinataob ng isang baguhan. Matinding pagkagulat noon ang nangyari nang talunin din siya ng baguhang si Teri Malvar. Naulit pa iyan nang muli siyang padapain ni Hasmine Killip sa acting. Kaya nga nang manalo si Laila Ulao, hindi na masyadong nakaramdam ng pagkabigla ang mga tao, kasi si Nora ay talagang tinatalo na ng mga baguhan.

Ibig sabihin, sa paningin ng mga kritiko, may mga bagong sibol na mas magaling na ‘di hamak kaysa kay Nora Aunor. Nawala ang monopoly sa paniniwala noon na basta best actress, si Nora Aunor na ‘yan. At hindi iisang set, kundi iba’t ibang mga grupo ng kritiko ang nagsabi na may mas magaling kay Nora. Ang masakit pa, natatalo na siya sa acting awards, hindi pa kumikita ang kanyang mga ginagawang pelikula. Pero hindi namin sinasabing dapat mag-retire na si Nora. Kailangan lamang piliin niya ang pelikulang kanyang gagawin.

May nag-suggest nga, kung naibigay kay Nora ang role ni Aiko Melendez sa pelikulang Barcelona: A Love Untold, perfect siya roon. Hindi na siya bida, pero magagawa niya nang mahusay ang role at may makakapanood sa kanya dahil kumita ang pelikula.

Eh iyang puro indie ang ginagawa niya, ilan ba ang nakakapanood niyan? Minsan pito lang ang tao sa isang screening. Mapalad na kung may dalawampung makapanood ng pelikula niya sa maghapon dahil hindi naman sunud-sunod ang screening ng mga pelikula niyang nailalabas lang kung may festival, o kaya ay tumatagal lang ng isa o dalawang araw sa mga limitadong sinehan pa.

It’s about time na mag-isip na si Nora. Huwag na niyang ipilit na kailangang bida siya. Tumanggap na siya ng mga supporting role. Mas mababayaran pa siya ng maayos at mas mapapanood pa siya. After all hindi na niya kailangan ng awards, at tinatalo na nga siya ng mga baguhan.

Love scenes nina Jean at Lovi kay Derek, makakalusot kaya sa MTRCB?

Ganoon pala katindi ang mga bed scene doon sa pelikulang The Escort. Matindi raw ang naging bed scene nina Jean Garcia at Derek Ramsay.

Tapos kung hindi pa raw nakiusap si Derek sa kanilang director na mukhang dapat baguhin naman at bawasan ang bed scene nila ni Lovi Poe, aba eh mas matindi rin daw iyon. Kaya pala sabi ng director nila, payag na siya kahit na R ang maging rating ng kanyang pelikula.

Pero palagay namin, palulusutin iyan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Aba ang kuwento nga sa amin ng isang kritiko, may napanood daw siyang indie film kamakailan lang na lahat na yata ng klase ng sex scene ay ginawa, kung iyon nakalusot, bakit nga ba hindi ang isang mas disenteng pelikula gaya ng The Escort?

Pero may nagsabi naman na kaya pinalulusot na ang lahat ng bold scenes sa mga indie, “Kasi wala rin namang manonood niyang mga iyan”. Eh iyong malaking pelikula kagaya ng The Escort, na malala­king artista ang lumabas, tiyak na mapapanood iyan.

Ganoon pa man, hindi masasabing dahilan iyon para mag-set ng double standards sa mga pelikula. Hinahayaan nila iyong matitinding eksena sa indie, bakit hindi niya papayagan ang mas disenteng pelikula ng mga mas disenteng artista rin?

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with