^

Pang Movies

Kahit eklay lang kasalan ng AlDub nag-trending!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Totoo man o hindi ang kasalang Alden Ri­chards at Maine Mendoza sa Kalyeserye ng Eat Bulaga kahapon, nagbubunyi pa rin ang AlDub Nation sa Twitter world. Number one trending ang #ALDUBWedding at second lang ang hashtag ng It’s Showtime, huh!

As of deadline time, almost 4-M tweets na ang hinamig ng hashtag. Bukod sa top spot nationwide, 2nd spot naman ito worldwide.

Sa Christ The King ang venue ng kasal. Kumpleto ang video preparations ng pag-aayos ng simbahan na pinalamutian ng imported na bulaklak, huh!

Nagtatanong naman ang fans dahil kung hindi totohanan eh, bakit mga best friend ni Meng ang bridesmaids, huh? Eh, maraming requirements, legal o formal, ang tunay na kasalan at hindi naman kasama sa legal o formal requisites pagdating sa sponsors, so may choice si Meng sa kukuning entourage.

Galing pa sa Japan si Alden at Friday evening dumating. Nagbigay agad ng mensahe si Direk Mike Tuviera sa ADN na inuwi nila ng safe and sound ang Pambansang Bae, huh!

Kasabay dumating ni Alden si AiAi delas Alas mula sa Japan. Haggard nga raw ang sked niya dahil kailangan niyang mag-ayos Donya bilang lola ni Alden. After ng Kalyeserye, dumalo si Ai sa premiere night ng movie niyang Area.

Sa pagbibigay tugon sa kahilingan ng ADN, makaka­tulog na sila nang mahim­bing na may kasamang ngiti sa labi.

Facebook ni Marian humakot ng 18-M

Grabe ‘yung pag-abot ng 18-M like sa Facebook page ni Marian Rivera, huh! Pinost ‘yon ni Marian sa kanyang Instagram account kaya naman agad-agad nagpasalamat. “Awww Gracias…” sa repost niya.

“She’s the  real Queen, she is the number 1 that got the most number of likes in facebook of all time (Philippine celebrities),” post ng isa niyang follower.

Bukod sa Sunday PinaSaya, wala pang balita sa next project ni Marian. Pero fore sure, abala na siya sa pag-aasikaso sa unang birthday ng anak na si Baby Zia sa November, huh!

Aktres naitsapwera sa pelikula

Supalpal ang aktres sa demand niya tungkol sa bagong project. Gusto niya kasing bigyan siya ng importansya sa promotions ng pelikula.

Kaso huli na ang demand niya. Nagawa na raw lahat ng promo materials ng movie at imposible nang mabago. Eh, hindi naman siya ang bida sa pelikula kaya laglag sa sahig ang hiling niya, huh!

Bilang ganti naman, tamad-tamaran ang aktres sa pagtulong sa promo ng movie, huh!

vuukle comment

ALDUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with