^

Pang Movies

Ervic no comment sa binugbog sa Pasay

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines – A few years back, taong 2013, ay tumakbong konsehal si Ervic Vijandre sa Taguig City ngunit hindi siya pinalad.

Kaya tinanong namin siya kung bakit hindi siya muling sumubok ngayong 2016. 

“Concentrate muna ako sa pag-aartista ko,” at tumawa si Ervic. Gusto pa rin daw niyang tumulong pero kapipirma pa lang niya sa GMA at ayaw niyang sayangin ang mga chance na ibinibigay sa kanya ng network. Ngayon bukod sa Poor Señorita ay kasama rin siya sa upco­ming sitcom na A1 Ko Sa’Yo na magsisimula na sa Thursday, June 2, 10 ng gabi. Sumunod namang itinanong kay Ervic ay ang tungkol sa pagkakasangkot niya sa isang gulo kung saan nanakit diumano siya ng isang lalaki sa Pasay City noong Pebrero ng kasalukuyang taon. Nguni’t tumangging magbigay ng pahayag si Ervic tungkol dito kahit anong pilit namin.

Sa mga nangyayari sa buhay niya, ano sa palagay niya ang dahilan ng mga ito? Na lagi siyang nasasangkot sa mga intriga. Siguro raw ay mga pagsubok ito na galing sa Itaas at nasa kanya na kung papaano niya iha-handle Ito. Nagpapasalamat naman siya at hindi siya pinababayaan ng Diyos sa mga pinagdaraanan niya. Noong kampanya noong 2013 ay nasangkot rin siya sa isyu ng bugbugan at dinala pa nga siya sa ospital dahil kinailangang tahiin ang ulo niya dahil sa pananakit sa kanya ng ilang mga kalalakihan. May pagka relihiyoso pala si Ervic. Deboto siya ng Mother of Perpetual Help ng Baclaran at Black Nazarene ng Quiapo. Kaya madalas siyang makita sa mga simbahan na Ito.

Michael V may ‘babala’ sa mga sasali ng Lip Sync

Grabe itong si Michael V. Bawat programang kinabibilangan niya ay successful. Kaya naman tuloy-tuloy ang tagumpay ng Bubble Gang every Friday at Pepito Manaloto every Saturday after 24 Oras.

Papasok na pala sa second season ang Lip Sync Battle Philippines. Hinamon ni Bitoy ang mga sasali sa season 2 ng Lip Sync Battle Philippines.

Aniya, dapat daw mas paghandaan nila ang kanilang magiging performances at siguradu­hing gagalingan ang bawat laban dahil paniguradong mas titindi ang labanan sa pinakabagong season ng programa. “Review na para kayong mag-e-exam.

Panoorin ninyo yung mga ginawa at mga hindi ginawa nung mga previous na battles at learn from there. I’m sure yung mga nanalo kasi yung parang matagal na nilang na-imagine na gagawin nila or gusto nilang gawin tapos hindi nila nagagawa. At nagkaroon sila ng pagkakataon dito kaya lumabas yung killer instinct. Yung talagang ka-career-in ko to. Yun nga yung sinasabi ng iba na expression na ‘I will kill this’ talagang ‘yun yung ginawa nung mga nanalo,” sey ni Bitoy.

T.O.P. nangako ng forever

Kahit batuhin man ng issues tungkol sa pagdi-disband, sigurado ang all-male group na Top One Project (T.O.P.) na may forever sa samahan nila.

Kahit daw galing sila sa isang reality talent competition, tinitingnan nila na pantay pantay ang kontribusyon ng bawat isa sa kanilang grupo. “Ginagamit po namin ‘yung strengths ng bawat isa. Dapat lahat may moment din. Binibigyan namin ng parts ‘yung iba so equal pa rin siya. Meron talagang babad, tapos sa next song iba naman ‘yung babad. It depends on the song,” sabi ni Miko Manguba  na parte ng T.O.P.

Nang tanungin kung iiwan nila ang isa’t isa in the near future, “Naniniwala po ba kayo sa forever? Kaharap niyo na ho ‘yung magpapatunay ng forever,” makulit na hirit ni Adrian Pascual.

                                    

vuukle comment

CEBU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with