^

Bansa

Mag-ingat sa online recruitment scam-DOLE

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pinag-iingat ni Labor and Employment Secretary Silvestre H. Bello III ang publiko, partikular ang mga mamamayan na nagnanais magtrabaho sa ibang bansa laban sa mga pekeng online recruiter na nagaalok ng trabaho.

“Kailangang maging maingat ang mga kababayan natin sa mga magagandang alok na trabaho sa ibang bansa na naka-post online. Iwasang mag-apply sa mga hindi lisensiyadong recruitment agency,” ani Bello.

Kasama ng Kalihim si Presidente Rodrigo R. Duterte sa Kingdom of Saudi Arabia mula Abril 10-12 upang tingnan ang kondisyon ng mga OFWs at pangasiwaan ang pagpapauwi sa 5,000 stranded na OFW, kasunod ng ibinigay na 90-araw amnestiya ng Saudi Arabia.

“Ilan sa mga hindi dokumentado at stranded na OFW sa Saudi Arabia ay biktima ng illegal recruitment scam at hindi naranasan ang trabahong inialok sa kanila,” ani Bello.

Kanyang ipinahayag na patuloy na pinalalakas ng Department of Labor and Employment (DOLE), kasama ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at iba pang kinauukulang ahensiya, ang kampanya laban sa illegal recruitment upang tiyakin ang kapakanan at seguridad ng mga OFW.

Samantala, hinihikayat ng POEA ang publiko na itawag sa kanilang hotline number 722-11-44 / 722-11-55 ang anumang mapanlinlang na gawain sa pagre-recruit at pinaalalahanan ang publiko na huwag mag-apply sa mga hindi lisensiyadong recruitment agency.

 

vuukle comment

SILVESTRE H. BELLO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with