^

Police Metro

90 taon kulong sa dating opisyal ng DECS

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Posibleng sa kulungan na bubunuin ang nala­labing buhay ng isang dating opisyal ng Department of Education, Culture and Sports (DECS) na ngayon ay Department of Education (DepEd) matapos mapatunayang guilty  sa limang counts ng malversation sa maanomalyang paglustay sa P6,554,500.00 pondo ng  Fund for Assistance to Private Education (FAPE) mula 1994 hanggang 1995.

Bukod sa pagkakulong ay pinagmumulta din ng graft court ang akusadong si Adriano Arcelo, dating Undersecretary for Finance ng nooy DECS at kasalukuyang Presidente ng FAPE ng hala­gang P6,554,500.00  bilang  civil liability.

Kapwa akusado ni Arcelo sa multiple counts ng kasong graft at malversation sina FAPE Vice President Roberto Borromeo, Investment Director Rosa Anna Duavit at Program Officer Corazon Nera.

Ayon sa Ombudsman prosecutors na mula 1994 hanggang 1995, si Arcelo ay nagkaroon ng personal loans mula sa FAPE funds na may kabuuang  P6,554,500.00. 

Nadiskubre rin ng Ombudsman na si  Arcelo at iba pang akusado ay naglaan ng P50 million loan  sa John B. Lacson Colleges Foundation, isang educational institution na pinangangasiwaan ng asawa ni Arcelo.

Ang multi-milyong loan ay nakuha sa tulong nina Borromeo, Duavit and Nera.

Ang FAPE ay isang  government-owned foundation na nilikha noong  1968 sa ilalim ng  Executive No. 156 para maglaan ng permanent trust fund na magpopondo sa iba’t ibang programa sa private education tulad ng  scholarships, grants, faculty incentives at iba pang  beneficial programs.

Sa ngayon, ang FAPE ay nasa ilalim ng Senior High Voucher Program ng DepEd na responsable sa pamimigay ng  discount vouchers sa  incoming Grade 11  sa ilalim ng  K+12 program ng pamahalaan.

vuukle comment

DECS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with