^

Police Metro

Ginang hinatulan ng habambuhay sa droga

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Habambuhay na pagkakulong ang hinatol ng korte sa isang ginang na miyembro ng drug syndicate habang ang dalawang kasama naman nito ay hinatulan ng 10-15 taon na pagkakulong dahil sa pagbebenta ng shabu na nagkakahalaga ng P5,000.00 sa Taguig City kahapon.

Base sa 32-pahinang desisyon ni Judge Antonio Olivete,  ng Taguig Regional Trial Court (RTC),  Branch 267, hinatulan nito ng habambuhay na pagkabilanggo  si  Elisa “Ely” Tinga, nasa hustong gulang,  miyembro ng Tinga Drug Syndicate  at pinagbabayad ito ng halagang P500,000.00 bilang moral damages at sina Andrea Escalante at Daniel Datinggaling, pawang  nasa hustong gulang at miyembro rin ng naturang sinidikato ay hinatulan naman ng 10 haggang 15-taong pagkakulong at pinagbabayad naman ng P300,000.00.

Bukod sa habambuhay na pagkakulong ay hinatulan pa rin si Tinga  ng 10 hanggang 15-taong pagkakulong  sa isa pang kaso nitong illegal possession of prohibited drugs at pinagbabayad ng P300,000.00.

Sa record ng korte, nadakip ang mga akusado noong Hulyo 2012 sa Kalayaan St., Brgy. Ususan, Taguig City sa isang buy-bust operation na isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), District Anti-Illegal Drugs, Southern Police District (DAID-SPD) at Taguig City Police. 

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with