Tren ng PNR 2 beses tumirik!
MANILA, Philippines - Isang tren ng Philippine National Railways (PNR) ang tumirik at tuluyan nang hindi pinabiyahe matapos na dalawang beses na masiraan ng preno, kahapon ng umaga.
Sa abiso ng PNR, nabatid na unang nagka-aberya ang tren sa bahagi ng Abad Santos-Antipolo crossing pasado ala-6:00 ng umaga.
Tumagal din ng 15-minuto ang pagkakahinto ng tren kaya naharangan nito ang mga papatawid na sasakyan sa nasabing lugar at nagdulot pa ng abala sa daloy ng trapiko.
Dakong alas-7:07 naman ng umaga nang maganap ang ikalawang insidente nang pagtirik nito sa bahagi naman ng Magsaysay crossing bago dumating Sta. Mesa station.
Ayon sa PNR, nagkaproblema ang preno ng tren na ang biyahe ay Tutuban – Alabang kaya’t dito na sila nagpasya na tuluyan nang pababain ang mga pasahero ng tren sa Sta. Mesa Station at huwag nang ituloy ang biyahe nito para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga commuters.
- Latest