^

Bansa

200 AWOL na pulis sinibak na ni Bato

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Sinibak na sa serbisyo ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang mahigit sa 200 pulis na hindi sumabak sa kanilang reassignment sa Basilan.

 Kahapon,  inianunsyo ni dela Rosa na nilagdaan na niya ang dismissal order laban sa mga mahigit 200 rogue cops ng National Capital Region Police Office (NCRPO )  na nasangkot sa iba’t-ibang kaso.

 Binigyang diin ni dela Rosa na ang pagsibak sa serbisyo sa mahigit 200 NCRPO cops ay bahagi ng internal cleansing ng PNP sa kanilang hanay.

 “We will be going nowhere if we will not be serious in the internal cleansing.  I will be resolute and unforgi­ving,” ayon kay dela Rosa.

 Magugunita na sa kabuuang 387  NCRPO rouge cops ay nasa 339 lamang ang nag-report kay dela Rosa sa Camp Crame habang nang iharap ang mga ito kay Pangulong Rodrigo Duterte sa palasyo ng Malacañang ay nasa 329 na lamang .

 Samantang sa isinagawang accounting ni NCRPO Chief P/Director Oscar Albayalde, sa kabuuang 253 na lamang na ipadadala sa Basilan ay 53 lamang ang sumipot sa Villamor Air Base kung saan inilulan ang mga ito sa C130 plane ng Philippine Air Force (PAF) sa Pasay City at inilipad sa Zamboanga City. 

Ayon pa kay Albayalde ang 40 sa mga ito ay hindi na idineploy sa Basilan dahilan sa dumadalo ang mga ito sa paglilitis dito sa Metro Manila habang ang iba naman ay nauna nang nagsipag-AWOL sa serbisyo bago pa man ang deployment.

 Inihayag pa ng opisyal na patuloy ang monitoring sa nasabing mga rouge cops kahit na sibak na ang mga ito sa serbisyo upang matiyak na hindi na babalik muli ang mga ito sa iligal na aktibidades.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with