^

Police Metro

200 Pulis na natakot sa Basilan AWOL na

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inilagay na ng Philippine National Police (PNP) sa listahan ng AWOL o “Absent Without Leave” at posibleng tulu­yang matanggal sa serbisyo ang mahigit 200 pulis na umayaw mapadala sa Basilan at kung patuloy na hindi magre-report sa kanilang mga mother units.

Ito ang inihayag ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde makaraang kumpirmahin na nasa 58 lamang sa kabuuang 310 pulis na may order for transfer na ang naipadala sa Basilan.

Sa 310 pulis na dada­l­hin sana sa Mindanao, 253 sa kanila ay magmumula sa NCRPO ngunit nasa 53 tauhan lamang nila ang nag-report at bumiyahe sa Basilan. 

Sa higit 200 pulis na hindi sumama sa biyahe, nasa tatlo lamang sa kanila ang sumulat sa PNP at nagbigay ng dahilan tulad ng pagkakaroon ng karamdaman kaya hindi nakasama. 

Kaya’t ikinukunsidera na AWOL na ang higit 200 pulis na patuloy na hindi nagre-report at hindi na rin nagbigay ng palugit si Albayalde sa nasabing mga pulis upang magbigay ng kanilang paliwanag.

“Wala nang deadline.  If they are absent for one week, naka-mark AWOL ka na.  From February 18 na hindi sila nag-report, they can be dropped from the rolls and cut na ang suweldo ng mga iyan. But of course we will give them due process,” ani Albayalde.

Kung aapela naman umano ang mga pulis, hindi na ito sagutin ng NCRPO at bahala na ang PNP-Internal Affairs Service na mag-aral at magdesisyon sa kanilang mga kaso.

Inihalimbawa pa ng heneral ang ginagawang pagtatalaga sa kanila noong junior officers pa lamang sila ng PNP sa mga napakalalayo at liblib na lugar na may mga giyera ngunit hindi sila nagrereklamo.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with