^

Probinsiya

Naningil ng pautang, inutas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  – Napatay ang  25-anyos na la­laking may negosyong pautang matapos itong pagbabarilin ng kanyang kapitbahay na tumangging magbayad ng utang kamakalawa ng gabi sa Barangay San Vicente, bayan ng Cawayan, Masbate. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si King Russel Remulta habang pinaghahanap naman ang suspek na si Victor Remulta Jr., 34, kamag-anak ng biktima. Base sa police report, sinisingil ng biktima ang suspek sa malaking halaga ng pagkakautang dahil nangako itong magbabayad. Gayunman, sa halip na bayaran ay ilang bala ng baril ang ibinigay sa loob mismo ng compound ng kanilang bahay.

vuukle comment

RUSSEL REMULTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with