Kawatan inutas habang nagbibisikleta
LEGAZPI CTIY, Albay , Philippines – Patay ang 30-anyos na sinasabing notoryus na kawatan matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa kahabaan ng Magayon Drive sa Brgy. Tagas, bayan ng Daraga, Albay kahapon ng madaling araw. Naisugod pa sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital pero namatay din habang ginagamot ang biktimang si Dennis M. Mirandilla ng Purok 4, Brgy.Tagas sa nasabing bayan. Base sa policed report na isinumite kay P/Supt. Elcid Roldan, hepe ng Daraga PNP, nagbibisekleta ang biktima nang harangin at pagbabarilin. Narekober sa crime scene ang bisikleta ng biktima, eco bag, cutter at apat na basyo ng bala ng cal. 45 pistol.
- Latest