^

Probinsiya

Magkaibigan lunod sa quarry site

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay ang magkaibigang totoy matapos na malunod sa may 14 talampakang lalim na quarry site na naglalaman ng tubig-ulan sa bayan ng Anilao, Iloilo noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang dalawa na sina Khian Bezardo, 10; at Aljie Genderba, 9, mga nakatira sa Barangay Cag-an sa nabanggit na bayan.

Sa ulat ng Iloilo Police, naitala ang insidente dakong alas-6 ng gabi matapos na magkatuwaan ang magkaibigan na maligo sa quarry site.

Gayunman, pinaalis na ng guwardiya sa quarry site ang dalawang batang nagbibisikleta dahil magtatakipsilim na pasado alas-5 ng hapon.

Subalit lingid sa kaalaman ng guwardiya ay nagtago lamang ang dalawa sa bunton ng mga graba  at nang makaalis ang sekyu ay saka nagtalunan sa tubig sa quarry site.

Habang nagpapatrulya naman ay nakita ng guwardiya ang bisikleta ng dalawa na inihatid nito sa magulang ng isa sa mga biktima.

Gayunman, kinabahan ang ama ng isa sa mga bata na agad napasugod sa quarry site at dito’y nakita ang lumulutang sa tubig na tsinelas ng mga ito.

Samantala, gumamit na rin ng backhoe ang mga manggagawa sa quarry site para matuyo ang tubig at habang nangangahalati ito ay tumalon sa tubig ang ama ng isa sa mga biktima na matapos ang 30-minuto ay naiahon ang katawan ng dalawa.

Nagawa pang maisugod sa Barotac Nuevo District Hospital ang mga biktima pero idineklarang patay.

vuukle comment

KHIAN BEZARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with