^

Probinsiya

Agawan sa pulutan: Magsasaka pinagtataga

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  - Nakikipagbuno kay kamatayan ang 59-anyos na magsasaka matapos itong pagtatagain sa ulo ng 80-anyos na lolo dahil sa sinasabing agawan nila sa pulutan habang naglalaklakan sa Barangay Binguang, bayan ng San Pablo, Isabela noong Lunes ng gabi.?

Ayon kay P/Senior Supt. Rouel Mena, hepe ng San Pablo PNP, kritikal sa Milagros District Hospital sa bayan ng Cabagan ang biktimang si Vicente Tuengan habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Boy Tuengan na kanyang tiyuhin.?

Lumalabas sa imbestigasyon na nauwi sa matin­ding pagtatalo ang hidwaan ng magtiyuhin na kapwa lango na sa alak dakong alas-10 ng gabi kasama ang iba pang manginginom sa bahay ng kaanak na si Absalom Azurin Jr.?

Ayon sa police report, nagkagulo ang mga bisita sa bahay ni Azurin nang nagsitalsikan ang dugo sa ulo ng biktima na siya namang sinamantala ng suspek na tumakas bitbit ang duguang itak.?

vuukle comment

ROUEL MENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with