^

PSN Showbiz

Mikey Arroyo pinagbabato ng masasamang salita!

APPYEVERYDAY - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Get well soon sa ex-presidential son na si Mikey Arroyo na naaksidente sa Bacolor, Pampanga noong Lunes.

Ligtas na si Mikey sa kapahamakan pero malungkot ang balita na pumanaw ang driver niya at ang nagmamaneho ng kotse na bumangga sa sasakyan nila.

Nakakadismaya na isipin na may mga kababayan tayo na imbes na magpasalamat dahil nakaligtas si Mikey sa sakuna, iba ang kanilang mga sinasabi na nakakapangilabot sa pandinig.

Very un-Christian ang mga komento nila laban kay Mikey. Sana, huwag mangyari sa kanila ang mga masasama na salita na binitawan nila laban sa anak ni former President Gloria Macapagal-Arroyo.

Fans ni Alden sa Canada madadatung!

Confirmed na mayayaman ang fans ni Alden Richards sa Canada dahil lumipad pa sila sa Amerika para makita nang personal ang kanilang idol na kasali sa Sikat Ka Kapuso show na ginanap noong Linggo sa Terrace Theater, Longbeach, California.

I’m sure, may mga bitbit silang pasalubong para kay Alden na una nilang nakilala nang pumunta sa Canada noong March 2016 para sa show nila ni Rocco Nacino.

Hindi naman nabigo ang fans ni Alden mula sa Canada dahil nag-enjoy sila sa Sikat Ka Kapuso show. Kasama ni Alden sa concert sina Lovi Poe, Tom Rodriguez at ang magdyowang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Yasmien magkaka-oras na uli sa pamilya

Ngayon ang 28th birthday ni Yasmien Kurdi kaya happy birthday sa kanya.

Nasubaybayan ko ang pagdadalaga ni Yasmien, pati ang pagsisimula ng showbiz career niya kaya mahirap paniwalaan na nanay na siya.

Hindi basta nanay si Yasmien dahil responsible mother siya sa kanyang anak na si Ayesha Zara at loving wife rin siya sa kanyang mister na si Rey Soldevilla.

Kahit abala sa taping ng Sa Piling ni Nanay, hindi nawawalan si Yasmien ng quality time para sa kanyang mag-ama. Nagagawa ni Yasmien na ibalanse ang mga responsibilidad niya bilang housewife at aktres.

Magwawakas na ang Sa Piling ni Nanay sa darating na Bi­yernes at isa lang ang ibig sabihin nito, madaragdagan ang panahon ni Yasmien para sa kanyang asawa at anak.

Mga galaw ni Kylie binabantayan na

Ngayon din pala ang kaarawan ni Kylie Padilla na turning 24 years old.

No comment pa sina Kylie at Aljur Abrenica tungkol sa isyu na magiging mga magulang na sila.

Hangga’t hindi umaamin ang dalawa, mananatili na tsismis ang diumano’y pagbubuntis ni Kylie.

Tulad nang sinasabi ko, nasa legal age na ang dalawa para bumuo ng pamilya kaya hindi big deal ang balita na buntis si Kylie. Nagkataon lang na mga artista sila ni Aljur kaya pinagpipistahan ang isyu na hindi pa nila kinukumpirma o idine-deny.

Pero kumbinsido ako na lalong tumaas ang rating ng Encantadia dahil pinagmamasdang mabuti ng mga tsismosong televiewers ang tiyan ni Kylie.

Pinag-aaralan nila kung lumalaki ba talaga o hindi ang tiyan ng dalaga? Maingat ba si Kylie sa mga kilos nito o masigla pa rin siya? May mga fight scene pa si Kylie sa episode ng Encantadia noong Lunes kaya na-confuse ang mga loyalista ng telefantasya ng Kapuso Network. Wondering sila kung talagang buntis si Kylie dahil, hindi ito papayag na gawin ang mga nakakapagod na eksena ng bakbakan.

vuukle comment

MIKEY ARROYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with