Bato gagawing scapegoat ng Malacañang-D5
MANILA, Philippines – Posible umanong gawing ‘scapegoat’ ng administrasyon si Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa dahilan na rin sa nais ni House Speaker Pantaleon Alvarez na magbitiw na ito sa puwesto matapos ang iskandalong idinulot ng mga scalawags na opisyal ng pulisya sa kidnap-slay ng South Korean trader.
“With House Speaker Pantaleon Alvarez’s call for the resignation of the PNP Chief, it appears the Administration is in need of a scapegoat for the scandal of a PNP force gone rogue,” pahayag ni de Lima.
Ayon pa kay de Lima, hindi solong responsibilidad ni dela Rosa ang nangyayari sa PNP dahil kasama rito si Pangulong Rodrigo Duterte na ginawa umanong “Tokhang death squad” ang kapulisan. Aniya sa halip na sisihin si dela Rosa ay dapat ring tingnang mabuti ang ugat ng problema.
“This is not the sole fault of its PNP Chief, but mostly of his President who has transformed a once professional institution into nothing more than Tokhang death squads engaged in Tong shakedown rackets,” anang senadora.
Naniniwala rin si de Lima na sumusunod lamang sa utos ng Pangulo si dela Rosa na hayaan ang pulisya kahit pa umabuso ang mga ito sa gitna ng kampanya laban sa ilegal na droga kahit pa sa sunod-sunod na nangyayaring extrajudicial killings (EJKs).
- Latest