^

Police Metro

Lewis hinamon ng Malacañang na magpunta sa Pinas

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kaysa patalikod nitong binabatikos mula sa Estados Unidos ay hinamon ng Malacañang si Ms. Loida Lewis, nasa likod ng “Lenileaks” na magpunta ng Pilipinas at harapan nitong ihayag ang saloobin kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar, mas mabuting umuwi ng Pilipinas si Lewis kaysa gumawa ng mga hakbang upang ‘patalsikin’ si Pa­ngulong Duterte mula sa kanyang comfort zone sa Estados Unidos.

Si Lewis ay campaigner ng natalong presidential candidate Mar Roxas at Vice-President Leni Robredo noong May 2016 elections.

Noong Hulyo 20 ay nagkaroon ng pagkaka­taon si Lewis kasama ng ilang Fil-Am na makausap si Pangulong Duterte sa Davao City matapos itong manalo sa halalan kung saan ang impresyon pa ni Lewis ay ‘very personable’ at walang drama sa pakikipag-usap.

Inilarawan naman ni Andanar na isang ‘plastic’ si Lewis dahil sa kabila ng magandang pakikitu­ngo sa kanya ni Pangulong Duterte nang makausap niya ito ay binatikos na niya ito nang umuwi ng US at namuno sa ‘Duterte resign movement’ na naglalayong patalsikin ang Pangulo tulad ng nakasaad sa ‘Lenileaks’.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with