^

Probinsiya

Drug suspek pinabulagta

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ang sinasabing durugista na nasa drug watchlist ng pulisya matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins sa loob ng kanyang kotse sa gasolinahan sa Barangay Bagani Campo sa Vigan City, Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. Reynaldo Lizardo, hepe ng Vigan City PNP ang napatay na si Jason Toquero, 33, ng Barangay Patpata sa nasabing lungsod. Lumalabas sa imbestigasyon na nakaupo ang biktima sa loob ng kanyang SUV nang lapitan ng dalawang naka-helmet na lalaki saka isinagawa ang pamamaril. Narekober sa crime scene ang siyam na basyo ng bala ng cal. 45 pistol. Nabatid na una nang nakisawsaw si Toquero sa Oplan Tokhang ng pulisya noong nakaraang buwan. Pinaniniwalaang may malaking atraso ang biktima sa sindikato ng droga kaya ito pinatahimik.

vuukle comment

DRUG SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with