^

Probinsiya

6 bahay sinunog ng BIFF

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon
6 bahay sinunog ng BIFF
Anim na bahay ang nila­mon ng apoy makaraang sunugin ng mga tauhan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Barangay Palongoguen, bayan ng Midsayap, North Cotabato kamakalawa ng gabi.
File photo

NORTH COTABATO, Philippines – Anim na bahay ang nila­mon ng apoy makaraang sunugin ng mga tauhan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Barangay Palongoguen, bayan ng Midsayap, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Ayon kay 34th Infantry Battalion ng Philippine Army Commanding Officer Colonel Edgar Delos Reyes, bandang alas-10:15 ng gabi nang salakayin ng mga tauhan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang Cafgu detachment sa Barangay Palongoguen sa nasabing bayan.

Gayunman, natunugan ng mga tauhan ng para-military trooper na gumanti ng putok sa mga rebelde.

Tumagal ng 30-minutong bakbakan kung saan kaagad na umatras ang mga rebelde laban sa tropa ng 34th Infantry Battalion ng Phil. Army gamit ang 105 mm Howitzers Cannon.

Subalit bago tuluyang umatras ang BIFF ay nagawa pa nitong sunugin ang anim na bahay ng mga sibilyan.

Walang nasugatan sa mga Cafgu at sibilyan habang hindi naman matiyak sa mga rebelde kung may nasugatan.

Sa ngayon ay nasa hightened alert ang militar at pulisya sa posibleng surpresang pananalakay ng BIFF sa North Cotabato habang papalapit na naman ang pagdiriwang ng Kapaskuhan.

vuukle comment

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with