^

PSN Opinyon

Wolves in sheep clothing

APPYEVERYDAY - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA Bibliya, pinag-iingat ang mga mananampalataya sa mga “wolves in sheep clothing” o mga mababangis na asong gubat na nagbabalatkayong mga tupa.

Sa ating pulisya, nakalulungkot na mayroon ding mga taong nakasuot ng uniporme ng alagad ng batas, yun pala ay mga protector ng mga sindikato ng droga. Inamin iyan ng ating Pangulong Duterte at kahit siya ay naniniwalang mahirap sugpuin ang kabuktutan ng mga ito. Pero tiniyak niya na susugpuin niya ang mga ito sa panahon ng kanyang termino.

Kamakailan, nanawagan si Iloilo 4th Dist. Rep. Ferjenel G. Biron sa DILG, PNP at NAPOLCOM na suportahan ang kampanya ni Presidente Duterte kontra sa ilegal na droga. Ani Biron na tagapangulo ng house committee on trade and industry, kailangan magtulong-tulong ang lahat para panga­lanan ang mga uniformed personnel na posibleng sangkot sa operasyon ng mga drug syndicates. Sa budget hearing ng DILG sa Kamara,  hiniling ni Rep. Biron, kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Ismael Sueno na siyasatin ang mga reklamo at nakabinbin mga kaso ng isang colonel ng Philippine National Police (PNP) na nakatalaga sa Region 6.

Idinulog din ng mambabatas sa NAPOLCOM na aksyunan ang mga nakabinbin kaso ng isang Police Senior Superintendent Tambungan na Grave Misconduct dahil umano­ sa pagtanggap ng “drug money” sa mga drug suspects at ang harassment case na inihain ni Randy Datu, corres­pondent ng Pilipino Star Ngayon. Importanteng mapabilis ang proseso para yung mga wala namang kasalanan ay agad malinis ang pangalan.

Tunay naman ikinabigla at ikinalungkot ng pangulo na anim na libong tauhan ng pulisya ang umano’y sangkot sa ilegal na droga sa bansa batay sa kanyang talaan. Dahil dito, iginiit ni Rep. Biron na pabilisin ng mga awtoridad ang proseso ng mga kasong inihain sa mga uniformed per­sonnel na inakusahang sangkot sa ilegal na droga na tiyak na magpapahina sa operasyon ng mga drug syndicates. 

Dagdag pa niya na paborable din ang mabilis na pro­seso sa resolusyon ng mga kasong ito sakaling walang ma­lakas na ebidensya at mahina ang mga basehan ang mga reklamong inihain laban sa kanila.

vuukle comment

AL G. PEDROCHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with