^

PSN Opinyon

‘Bargaining chip’

NO-NONSENSE FENG SHUI - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MAHIRAP basahin si Pres. Rody Duterte. 

Kung ang nagkokomento sa kanyang mga sinasabi at ginagawa ay one-track mindset at hindi malalim, mali-mali ang magiging pakahulugan. Lalo na sa usaping pakikipag-kalas ng Pilipinas sa United States sa aspetong ekonomikal at militar. 

Puro pang-iinsulto ang binitiwan niyang soundbytes patungkol sa Amerika. Music to the ears naman ito sa bansang China. Isang estratehiya ito ng Presidente. Ang paggamit ng mga salita para pukawin ang mga Amerikano. Sa maikling salita, stimulus response. 

Ang tagal na raw kasi nila tayong strategic ally country pero walang napala at hindi nakinabang ang Pilipinas. Maraming taon nang may isinasagawang military exercises pero ni isang military equipment wala silang ibinigay. 

Kung ano ang kanilang dala, yun din ang kanilang bitbit palabas. Kung mayroon man silang iiwan, ibibenta pa sa atin. Pinatulo lang ang laway ng mga sundalo natin. Nagsimula ang pagka-disgustong ito ni Pres. Duterte nang binatikos ng US at EU ang kanyang kampanyang giyera kontra droga. 

Sa pagka-buwisit ng Presidente, kahit hindi pa nare­resolba ang gusot sa agawan ng West Philippine Sea, naki­pag-alyansa siya sa China na kilalang kalaban sa ekono­miya ng UE at US. Sa bilateral talks sa China, idineklara ng Presidente ang bagong Philippine foreign policy. Nilinaw naman ng Presidente, hindi niya pinuputol ang diplomatic relations ng Pilipinas sa US. 

Bilyong dolyares na halaga ng investment at soft loans para sa imprastruktura ang resulta ng nasabing bilateral agreement. Suportado rin ng China ang drug war. 

Sa mga binitiwang salita ni President Duterte, hindi matukoy kung ito ay isang bitag sa EU at US para itrato nang tama at maayos ang Pilipinas. Tulad ng ilang mga kritiko ng administrasyon at ilang mga personahe sa pulitika, bahala na ang Europian Union at US na magbasa at mag-analisa. 

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

vuukle comment

BEN TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with