^

PSN Showbiz

Xian kay Coleen muna, Kim sigurado na uli kay Gerald!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nakatakdang magtambal sa isang pelikula ng Star Cinema sina Xian Lim at Coleen Garcia. Masaya naman daw si Kim Chiu para kay Xian kahit hindi na sila ang magkatambal sa proyekto ngayon. Matatandaang marami nang pinagtambalan na pelikula at teleserye sina Kim at Xian noon.

Sinasabing may espesyal na ugnayan na sina Kim at Xian kaya malaki na rin ang tiwala sa isa’t isa kahit sino pa man ang maging kapareha nila sa mga proyekto. “Kami naman, open naman na kami. Kasi hindi naman na kami teenager na napapabilang pa sa sweet, loving-loving. Ang dami na kasi teen love teams. Eh medyo nasa mid-20’s na kami. So parang ‘wag na tayong makisali doon at kung ano ang ibinigay sa ating trabaho, ‘yun na lang,” nakangiting pahayag ni Kim.

Samantala, may bulung-bulungan din ngayon na posibleng magtambal muli ang aktres at ang dating kapareha at kasintahan na si Gerald Anderson. Para kay Kim ay walang problema sa kanya kung sakali mang matutuloy ang muli nilang pagtatambal ni Gerald. “Okay naman ako sa lahat, wala namang issue. Ang trabaho ay trabaho kung ano ang ibigay ng management sa atin, ‘yon, professional dapat,” giit ng aktres.

Angeline nabuhay ang lovelife

Muling sumasaya ang buhay pag-ibig ni Angeline Quinto nga­yon. Matagal-tagal na ring nauugnay ang singer kay Erik Santos pero hindi pa sila nagkakaroon ng opisyal na relasyon. “Pa-happy pa lang. Ang ibig kong sabihin, magiging masaya pa lang ulit. Actually hindi pa kami. Siguro ang sinasabi ng tao off-cam at sa camera din, ganoon lang po talaga kami. Pero siyempre, special sa akin si Erik,” pagtatapat ni Angeline.

Ano na nga ba ang totoong estado ng kanilang relasyon ni Erik sa kasalukuyan? “Hindi ko masagot. Basta very happy kami, sobrang nagkakaintindihan sa lahat ng bagay, kaya siguro hindi kami officially nagiging mag-on. Kasi ayaw kong magbago ‘yung kung paano ako kay Erik at siya sa akin,” makahulugang pahayag ng singer.

Nagkaroon diumano ng tampuhan sina Erik at Angeline kamakailan dahil sa hindi pagkakaunawaan. “Sobra kasi akong matampuhin na tao. So kung maramdaman ko lang na konting oras na wala, baka maapektuhan. Ganyan po ako,” pagbabahagi ni Angeline.

Samantala, abala na ang dalaga ngayon sa paghahanda para sa Divas concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa November 11. Makakasama ni Angeline sa nasabing concert sina KZ Tandingan, Kyla, at Yeng Constantino.

 

vuukle comment

XIAN LIM AT COLEEN GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with