^

PSN Showbiz

Aktor masayang nakawala na sa lukring na aktres!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi naging maganda ang paghihiwalay ng isang aktres at ng isang aktor. Sa isang panahon na ang akala ng marami ay maayos ang takbo ng kanilang relasyon ay kabaligtaran naman pala ang nangyayari.

Mahirap daw pakibagayan ang female personality. Hindi naman siya lunatic pero iisa ang sinasabi ng mga nakakarelasyon niya—matindi ang mood swing ng aktres.

Sa isang panahon ay napakasaya niya, kahit wala naman siyang dapat ipagsaya ay parang pagmamay-ari niya ang mundo, mula umaga hanggang gabing positibo ang takbo ng utak ng female personality.

Pero kakaiba ang kanyang sumpong, ayaw niyang nakakakita ng ibang tao at ang gusto lang niya ay ang mapag-isa, kahit ang kanyang boyfriend ay ayaw na ayaw niyang makita o kahit kausapin man lang sa telepono.

Kuwento ng aming source, “Nakakaloka ang mood swing niya, para siyang lukring na ewan kapag wala siya sa mood. Wala siyang gustong kausap, tablado ang lahat, kahit pa ang mommy niya!

“Ibang klase siya, kaya ayun, wala siyang nagtatagal na boyfriend. Ikaw ba naman, karelasyon kang naturingan ng girl, pero may mga pagkakataong ayaw man lang niyang makipag-usap sa iyo?

“Anong relasyon ‘yun? Siya lang ang dapat nasusunod, kanya ang mundo, wala siyang pakialam sa damdamin ng kapwa niya?” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Nakikipaghiwalay siya sa kanyang boyfriend na parang wala lang. Walang paliwanag, wala siyang ibinibigay na dahilan, basta ayaw na lang niya.

Kilalang-kilala rin pala ng kanyang pamilya ang ugali ng aktres, bata pa lang siya ay bitbit na niya ang ganu’ng ugali, kaya hindi na nagugulat ang mga ito sa kinauuwian ng kanyang pakikipagrelasyon.

Huling sultada ng aming source, “Kita n’yo, sa halip na malungkot ang ex niyang male personality, e, parang nakahinga pa siya nang maluwag. Ipinagpasalamat pa kaya nu’ng guy ang hiwalayan nila!”

Ubos!

Bracelet ng feng shui hindi umepekto? Kris gusto nang matapos ang 2016!

Balanse talaga ang buhay. Kapag may saya ay may lungkot. Kung may tagumpay ay meron ding kabiguan. Kung may luha ay may katapat ding tuwa ang ganu’ng emosyon.

Pero ang mahalaga ay tuluy-tuloy pa rin ang ikot ng mundo. Pansamantala lang ang problema dahil hindi ‘yun mahilig makipagtambay sa buhay nang may buhay.

Madilim ang mundo ngayon para kay Kris Aquino. Loveless na siya ay maalat pa ang takbo ng kanyang career. Kung gaano siya kasikat nu’n ay biglang bumaligtad ang baraha ng kanyang buhay at karera.

Iniiyakan niya ang mga gabing lumilipas na wala pa ring katiyakan kung saan siya magkakaroon ng programa. Nabantilawan ang kanyang mga plano, ngayon lang nangyari sa kanya ang ganito, dahil sa kapaniwalaan na what Kris wants, Kris gets.

Napakasaklap ng taong ito para kay Kris. Bilang mapagpaniwala sa feng shui, siguro’y gusto na niyang matapos ang 2016, dahil nagsimula ang taon na hindi naging maganda at maayos ang hilera ng mga planeta at bituin para sa kanya.

Mukhang hindi umepekto para sa kanya ang pagsusuot ng mga makabuluhang bracelet, ang pag-aadorno ng mga palakang may kagat-kagat na gintong barya sa bibig, pati ang pusa na pagpasok mo pa lang sa kanyang bahay ay walang patlang na sa pagkaway-kaway.

Sang-ayon kami sa mga opinyong naririnig namin na hindi lahat ng oportunidad ay ibibigay sa isang tao lang. At hindi rin sa lahat ng pagkakataon ay nakatuon lang ang mga biyaya para sa iisang tao lang.

Masuwerte pa rin si Kris Aquino dahil nang dumating sa kanyang buhay at career ang tag-ulan ay meron siyang maaasahang milyun-milyong ipon mula sa maraming taon ng kanyang pagsisikap at pagtatrabaho.

Ang pinakamahirap sa buhay na ito ay ang sabay na pagdating ng kawalan ng trabaho at kawalan ng buslong pagkukunan ng biyaya.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with