^

PSN Showbiz

Lead singer ng Coldplay na si Chris Martin iniwan daw ni Gwyneth dahil sa kadugyutan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Tapos na ang concert ng Coldplay sa Pilipinas pero pinag-uusapan pa rin si Chris Martin, ang lead singer ng sikat na banda.

Napansin kasi ng mapanuri na mata ng mga Pinoy na hindi nagpapalit ng damit si Chris. Kung ano ang suot niya sa pagrampa sa Intramuros, ‘yon pa rin ang kanyang outfit sa concert ng Coldplay sa Mall of Asia Grounds noong Martes.

May mga nadudugyutan kay Chris as in dirty looking siya pero dedma ang avid Pinoy fans niya. Para sa kanila, si Chris ang pinakamabango na singer, kahit mukhang tamad ito na maligo at magpalit ng damit.

Ang Hollywood actress na si Gwyneth Paltrow ang ex-wife ni Chris. Nagpakasal sila noong December 2003 at naghiwalay noong March 2014.

May hula ang fans na baka hindi na natagalan ni Gwyneth ang pagiging untidy ni Chris kaya hiniwalayan niya ang asawa. May dalawang anak sina Chris at Gwyneth.

Guwapong male TV host hindi mahilig maligo!

Si Brad Pitt ang another popular celebrity na natsitsismis na bihirang maligo at marumi sa katawan.

Dahil good looking, hindi raw halata na dugyot si Brad pero alam ng close friends niya ang kanyang ugali kung ang kalinisan sa katawan ang isyu.

May counterpart sa Pilipinas si Brad, isang male television host na guwapo pero tamad maligo.

Guwapo ang male TV host kaya hindi mahahalata na marumi siya sa katawan.

Favorite na pagtsismisan ang male TV host ng staff ng programa niya dahil sa kanyang masangsang na amoy.

Nilalayuan ng staff ang TV host pero dedma ito. Walang maglakas-loob na magsabi sa aktor na maligo ito araw-araw dahil baka ma-offend siya.

Habulin ng girls ang TV host na marami nang nakarelasyon pero hindi nagtagal. I’m sure, hindi na ma-take ng ex-dyowas ng TV host ang kanyang amoy.

Beach lipas na MGA Lugar na may cherry blossom usong puntahan ngayong Holy Week

Ang South Korea at Japan ang favorite destination ng mga local celebrity ngayong Holy Week.

Ang makita nang personal ang pamumukadkad ng Cherry Blossoms sa Japan at South Korea ang pakay ng mga celebrity na malaya na nakakarampa dahil walang fans na nagbabantay sa kanilang mga kilos.

Mangilan-ngilan na lang ang pumupunta sa mga beach dahil sa kanilang realization na mas mura ang magbakasyon sa ibang bansa kesa pumunta sa Boracay, Palawan at ibang mga beach resort sa Pilipinas.

James at Nadine balik-trabaho agad

Balik-Pilipinas na ang loveteam nina James Reid at Nadine Lustre matapos ang US tour nila na nabahiran ng kontrobersya dahil sa walang basehan na reklamo ng isang concert producer sa Amerika.

Ang trabaho agad ang inatupag nina James at Nadine dahil may shooting sila kahapon para sa summer station ID ng ABS-CBN. Kasama ang JaDine sa station ID ng Kapamilya Network, kahit hindi pa sila binibigyan ng bagong teleserye project.

Super emote pa rin sa social media ang concert producer na hindi na dapat patulan ni Nadine dahil naglabas na ng official statement ang Viva Live. Kung magsasalita pa si Nadine, lalong hindi titigil sa pag-e-emote ang concert producer na dapat maghinay-hinay sa kanyang mga paratang dahil any moment, puwedeng mag-resort sa legal action ang Viva Live at ang mga namamahala sa career nina James at Nadine.

vuukle comment

CHRIS MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with