^

Probinsiya

Grade 6 pupil, binigti, tinangkang sunugin

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines -  Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 13-anyos na binatilyo na nakatakdang magtapos sa elementarya matapos itong bigtihin sa punungkahoy saka tinangka pang litsunin ng hindi kilalang lalaki malapit sa bulubundukin sa Purok 6, Barangay Basicao Interior sa bayan ng Pio Duran, Albay noong Lunes ng hapon.

Patay at naaagnas habang nakabitin ang biktimang si Norly Bronzal, Grade 6 pupil sa Basicao Elementary School nang matagpuan ng kanyang kapatid dakong alas-4:30 ng hapon.

Kasalukuyang tinutugis na ang suspek na pansamantalang hindi muna isiniwalat na sinasabing may matinding galit sa pamilya ng biktima.

Nabatid na iginapos ang mga paa at kamay saka itinali ang dulo sa kahoy na acacia.

May palatandaan na ti­nang­kang litsunin ang bata dahil sinigaan ang ilalim ng katawan nito. Ayon sa ina, umalis ng bahay ang biktima noong Linggo ng umaga pero hindi na nakauwi.

Ayon kay P/Senior Inspector Ma. Luisa Calubaquib, spokesperson ng PRO5, na­ngangamoy na ang bangkay kaya idineretso na agad sa sementeryo at inilibing matapos na isailalim sa autopsy.

vuukle comment

NORLY BRONZAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with