^

Pang Movies

Melanie OA ang acting pag kasama si Bea!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

May pagka-OA (over acting) nga sa kanyang role bilang boss at kaibigan ni Bea Alonzo si Melanie Marquez, former Miss International, sa nagte-trending na bagong series sa ABS-CBN, ang A Love To Last.

Cute naman ang dating niya, kung sabagay. Pero, mas mabuti siguro if may little ‘correction’ sa pag-arte niya na gawin ang isa sa mga director ng A Love To Last, sina Direk Jerry Lopez Sineneng at Richard.

Lalo’t kapag ang kaeksena niya ay si Bea Alonzo, na no doubt na magaling sa kanyang role bilang si Andrea o Andeng.

In any case, hintayin natin ang pagpasok ni Pilar Pilapil, a former beauty queen herself, sa series. Matagal-tagal ding nawala sa eksena si Pilar. Kaya, big question kung siya ay mas nag-improve sa kanyang pag-arte.

At least, recognized na magaling si Pilar bilang aktres.

Bukod kina Bea, Melanie at Pilar, napapanood din sa A Love To Last, sina Ian Veneracion, Iza Calzado at ang ilan pang supporting players. Kabilang na ang magaling na aktor na si Tirso Cruz III.

Isang eksena na inaabangan namin ay ang confrontation scene nina Iza at Bea. And of course, ng dalawang aktres with Ian.

Sa suma total kasi, ang ganda ng kuwento ng serye kahit nagsisimula pa lamang ito. Manghihinayang ka, kapag may isa kang episode na ‘di napanood.

Keep up the good work, Star Creatives, which Malou Santos, managing director, too, ng Star Cinema.

Anak nina Janno at Bing, sa pagmi-make up dinala ng kapalaran

Instead of following her parents na sina Janno Gibbs and Bing Loyzaga bilang actors, ang kanilang anak na si Gabriella Gibbs ay isa namang make-up artist.

She didn’t say, though, that she takes care of her dad and mom’s make-up, kapag lumalabas ito sa harap ng camera, mapa-TV or pelikula. Or, when they go to a personal appearance commitments. Or, just plain sosyalan.

Which reminds us of Alyanna Martinez, daughter nina Albert Martinez and the late Liezl Sumilang.

She was into fashion and make-up too.

Kasal na si Alyanna sa isang professional photographer at sa US na sila namimirmihan.

Anak ni Echo walang amor sundan ang ginawa ng ama

Speaking of another child ng isang sikat na aktor, we have Santino Rosales na anak naman ni Jericho Rosales.

At 15, matangkad at matipuno na si Santino kaya naman walang duda na madali siyang magiging matinee idol, gaya ng kanyang ama.

Kaya lang ay walang ambisyon si Santino na maging actor. He would rather be an athlete (he is into soccer) and, on the side both a commercial and ramp model.

Julia binitbit si Joshua sa birthday ng lola

Kasama ni Julia Barretto si Joshua Garcia nang dumalo siya and her family sa 80th birthday event ng kanyang Lola Inday Barretto, ina ng kanyang mommy na si Marjorie Barretto.

Ginanap ang event sa Champagne Room ng Manila Hotel. Kapansin-pansin daw na wala sa nabanggit na piging si Gretchen (Barretto).

May pelikula na muling pagtatambalan sina Julia at Joshua for Star Cinema. Bale second team-up nila ito pagkatapos ng kanilang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Vince & Kath & James.

Right now, pareho silang busy sa kani-kanilang serye.

Tampok si Julia sa A Love To Last, samantalang gumaganap naman si Joshua bilang apo ni Sylvia Sanchez sa The Greatest Love.

Personal…

Belated happy birthday kay Roxy Liquigan, both of Star Cinema and Star Magic.

Bukas, January 16, birthday naman ni Sandy Andolong.

Many happy returns of the day, Sandy. 

vuukle comment

MELANIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with