^

Police Metro

Negosyo sa tourist belt, kikita sa Solar City- Erap

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapag naitayo na ang multi-bilyong Solar City urban center sa Manilla Bay ay mas kikita nang husto ang mga negosyo sa tourist belt ng Maynila.

Ito ang binigyan diin ni Manila Mayor  Joseph Estrada kasabay ng pahayag na hindi papatayin ng Solar City ang mga negosyo sa Ermita, Malate, at Intramuros bagkus ay papalaguin pa ito dahil sa mas maraming turistang madadala nito sa bansa.

“Inaasahan naming mas marami pang turista ang darating sa Maynila kapag naitayo na ang Solar City, lalo na ang international cruise ship terminal na itatayo dito. Malaki ang magiging pakinabang dito ng mga negosyo sa Ermita, Malate, at sa Intramuros,” wika ni Estrada.

Sa ilalim ng proyektong, tatlong isla na may sukat na 148 ektarya ang itatayo sa Manila Bay kung saan itatayo rin ang maraming business centers, residential at commercial properties, kabilang na ang isang international cruise ship terminal.

Sinegundahan naman ni MGDC Vice Chairman Edmundo Lim ang pahayag ni Estrada at sinabing hindi papatayin ng Solar City ang mga negosyo sa tourist belt na tinatayang makakalikom ang pamahalaang lungsod ng P17 bilyong buwis kada taon sa Solar City, bukod pa ito sa P10 bilyong real property taxes na makokolekta din ng lungsod.

Makapagbibigay din ng 100,000 trabaho ang proyekto habang ginagawa ito at 500,000 kapag nakumpleto na. - Doris Franche- Borja

 

vuukle comment

SOLAR CITY URBAN CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with