^

PSN Showbiz

Jake aminadong nasobrahan ng alak nung Star Magic Ball

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Jake aminadong nasobrahan ng alak nung Star Magic Ball
Jake

Wala naman palang kaaway si Jake Cuenca sa nakaraang Star Magic Ball, pero totoong lasing ito kaya siya maingay. Habang nagsasalita si Jericho Rosales, maingay si Jake at inakala ng mga nasa party ay si Jericho ang inaaway nito.

Niyaya na lang si Jake ng kanyang handler na umuwi dahil la­sing nga ito. ‘Katuwa nga dahil tanong daw ni Jake sa handler, pinapunta-punta siya sa Star Magic Ball, tapos pauuwiin lang na hindi pa tapos ang party. Sumunod din naman ito sa handler at umuwi na lang para wala nang gulo.

Kasabay daw ni Jake na uminom ang isa pang aktor na naso­brahan din. Nalasing din ito kaya hindi na nakarampa sa red carpet. Huwag na lang nating banggitin ang kanyang pa­ngalan dahil tapos na rin naman ang party na na­ging successful.

In fairness, magmula nu’ng presscon ng Mulat na pinagbibidahan ni Jake lagi siyang may isyu. Hopefully, makatulong ang ingay sa showing ng movie nila nina Ryan Eigenmann at Loren Burgos sa November 2.

Boobs ni Andrea ayaw paniwalaang real

Kinaiinggitan si Andrea Torres dahil ‘yun ang pinagdidiskitahan ng ibang viewers ng Alyas Robin Hood. Kesyo fake raw ang boobs  at ginagamit lang ni Andrea para maengganyo ang male viewers na panoorin siya sa nasabing action series.

Lalo pang umingay ang isyung fake ang boobs ni Andrea sa mall show nila ni Dingdong Dantes sa Cebu City kamakailan. Mabuti raw at hindi nagseselos si Marian Rivera sa kaseksihan ng isa sa leading lady ni Dingdong.

Hindi alam ng mga nagdududa na tuwang-tuwa pa nga si Marian nang malamang kasama sa cast ng Alyas Robin Hood si Andrea na balik-primetime. Lagi kasing sa afternoon ang soap ni Andrea.

Kristoffer at Joyce hindi nagpapanggap na magbabalikan

Nakakatuwa sina Kristoffer Martin at Joyce Ching dahil hindi gina­gamit ang nagtapos nilang relasyon para i-promote ang Hahamakin ang Lahat. Hindi sila pa­duda na magkakabalikan sila para lang panoorin ang teleserye. Ina­min ng dala­wa good friends pa rin sila at “ex” ang tawagan ngayon.

Kaya nga kumportable silang gawin ang kissing scene sa teleserye dahil gamay na ang isa’t isa. Hindi sila nagtanong kay direk Don Michael Perez tungkol sa eksena dahil para sa kanila, paraan ito upang makatawid na sila sa pagiging mature performers at hindi laging pa-tweetums.

Magiging palatandaan sa amin ang sinabi ni Kristoffer na hangga’t nagsusuot ng sexy outfit si Joyce ay hindi pa sila magbabalikan. Noong may relasyon pa ang dalawa, ipinagbawal ni Kristoffer kay Joyce na mag-shorts at magsuot ito ng sexy dresses. ‘Yun daw ang madalas nilang pag-awayan.

Sa Monday, pagkatapos ng Oh, My Mama! ang pilot ng Hahamakin ang Lahat  kung saan, makikipagsabayan sina Kristoffer at Joyce sa aktingan kina Snooky Serna, Eula Valdez, Chinggoy Alonzo at iba pang mahusay na aktor sa cast.

Cast nag-iyakan, Ismol Family tatapusin na

May nagkuwento sa amin na nag-iyakan ang cast ng Ismol Family nang ipaalam sa kanila na tatapusin na ang comedy show dahil papalit sa time slot nila ang Tsuper Hero. Two years na yatang tumatakbo ang show kaya close na ang cast at pamilya na ang turi­ngan nila.

Kahit alam nilang hindi forever ang kanilang show, nalungkot pa rin ang cast at nag-iyakan nga sa nakaraan nilang taping.

Nag-post si Carla Abellana ng iba’t ibang pictures niya na kuha sa taping at ang sabi “I will miss playing the role of Majay. I will miss my Ismol Family.”

Si Ryan Agoncillo ay pinost ang picture niya na pinatanda ang karakter niyang si Jingo sa Ismol Fa­mily at nilagyan ng caption na “goodbye for now jingo #ismolfamily.”

vuukle comment

JAKE CUENCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with