^

Bansa

Economic managers ni Duterte pinaghahanda sa epekto ng QR sa bigas

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan si Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez “Nene” Sato sa “economic managers” ng administrasyon na maghanda sa inaasahang epekto sa maliliit na magsasaka sakaling mawala na ang quantitative restriction (QR) sa bigas sa taong 2017.

Ito ay dahil nangangamba si Sato na sa pagkawala ng restriksyon sa pag-angkat ng bigas, ay malayang makapag-aangkat ng sobra sobrang bigas ang mga mangangalakal na tuluyang papatay sa maliliit na magsasaka ng palay sa bansa.

Sinabi ni Sato na dating gobernador, na dapat mag­handa ng plano ang Administrasyon para tulungan ang mga apektadong magsasaka, partikular ang mga may malilit na sakahan.

Ayuda umano para sa maliliit na magsasaka ay maaaring binhi, pataba at kaukulang pagsasanay upang palakasin ang produksyon ng palay; tamang packaging ng produkto at access sa mga bagong merkado at pamilihan.

Paliwanag ng kongresista, ang mga naturang pag­hahanda ay makatutulong sa mga magsasaka ng palay laban sa inaasahang pinaigting na kumpetisyon laban sa pagbaha ng imported na bigas na inaasahang mas pipiliin ng mga mamimili dahil sa presyo at kalidad kumpara sa bigas na produkto ng mga maliliit na magsasaka.

Sinabi pa ni Sato na sa kabila ng benepisyo ng pagkawala ng non-tariff trade barrier sa bigas sa mamimiling Pilipino, dapat din umanong tignan ang negatibong epekto nito sa mga mahihirap na magsasaka na walang kakayahang magnegosyo ng bigas dahil sa taas ng halaga ng binhi, pataba at pestesidyo. Dagdag pa dito ang pagkalugi dulot ng bagyo na lalong nagpapahirap sa mga magsasaka na walang puhunan.

vuukle comment

OCCIDENTAL MINDORO REP. JOSEPHINE RAMIREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with