^

PSN Opinyon

‘Arestado!’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

KUNG SINO PA ang nagmamagandang loob na makiusap at mamagitan ay sila pa ang napapahamak at nasasaktan.

Kapag may siga sa lugar paniguradong may gulo. Subukan mo mang kontrolin ang mga ito dahil sa asta nilang tila hari wala kang mapapala.

Mamamagitan lang dapat ang pamangkin ni Enia Moje na si Ronan Forbes o Batoy sa siga ng kanilang lugar at kaibigan nito.

Taga Pitogo, Quezon sina Enia at Batoy.

Ika-13 ng Oktubre taong 2016 nangyari ang insidente.

Ang kinakasama ni Batoy na si Reinalyn Escosia ang nagbigay ng salaysay kung ano ang naganap nung gabing yun.

Inilahad ni Reinalyn ito kay PO2 Emmanuel Vargas ng Pitogo Municipal Police Station.

May narinig daw siyang sumisigaw nung nasabing petsa.

“Nanay nanay! Si Batoy sinaksak ni Martin,” sigaw ni Tess.

Agad siyang bumangon at tumakbo papuntang basketball court. Pagkarating dun ay nakita niyang kalung-kalong si Ritchel Forbes o Bay si Batoy.

Napag-alaman niya mula rin sa mga nandoon na si Martin Rimbao daw ang sumaksak sa kanyang kinakasama. Walang alitan sa pagitan nina Martin at Batoy kaya wala siyang maisip na dahilan kung bakit ito nagawa sa kanyang kinakasama.

Ang isa sa naging testigo nila ay ang tanod na si Benedicto Arganda. Nakita niya raw na lumabas sa kanilang bahay itong si Martin na may nakasuksok sa baywang. Ang tingin niya ay patalim ang dala nito.

Alam niyang may namamagitang alitan sa pagitan ni Jaymar Fontanilla at Martin. Trabaho nilang mga tanod na panatilihin ang kaayusan sa kanilang lugar. Nagpunta siya sa bahay nina Jaymar at ipinagbigay alam ang kanyang nakita.

Pinayuhan niya itong wag munang umalis o lumabas sa bahay ng kanyang lola.

Umalis si Benedicto at iniwan si Jaymar. Pagbalik niya sa lugar nagkakagulo na at nakita niyang may tama na si Batoy at nakasakay na sa jeep.

Sa panig naman ni Jaymar nasa isang birthday party sila at nag-iinuman ng alak.

Paglalim ng gabi dumating itong si Martin na nakainom na at sinusundo ang asawa nitong naroon.

Papabili siya ng sigarilyo nang makita niya si Benedicto. Sinabihan siyang may dalang patalim itong si Martin.

May isang katorse anyon na bata siyang nakita at itatago namin sa pangalang ‘Jules’. Nagtanong siya kung nakita ba nito si Martin.

Sumagot ang bata at sinabing may dala nga itong patalim at nag-aabang sa waiting shed.

Sinabi niya kay Batoy ang nalaman na may nag-aabang sa kanya sa waiting shed. Tumayo si Batoy at sinundan ito ni Jaymar.

Habang naglalakad sila ay nakita nila si Martin.

“Ano baga?” sabi ni Batoy na parang gusto nitong ayusina ng kung anumang hindi magandang mangyayari.

Nakita niya na lang na biglang sinaksak ni Martin si Batoy. Napatakbo si Jaymar para humingi ng tulong at umaasang maliligtas ang kaibigan.

Pinayuhan siya ng kanyang ama na huwag na siyang lalabas at sila na ang bahala doon.

Isa sa naging saksi sa pangyayari ay ang labing apat na taong gulang na si Jules. Nagbigay siya ng kanyang salaysay kay Floricel Castillo, MSWD staff ng Pitogo, Quezon.

Nakita raw nya ang pananaksak habang naglalaro siya sa cellphone sa may puno.

Ninong Martin ang tawag niya sa akusado, kasama nito sina Jaymar at Batoy na nasa labas ng waiting shed at mukhang nagtatalo.

Nakita niyang inaawat ni Batoy si Martin. Itinulak daw nito si Batoy saka sinaksak.

Sa pangyayaring ito nagsampa ng kasong ‘Murder’ laban kay Martin ang pamilya ni Batoy.

Hindi alam ng pamilya kung paano mahuhuli ang sumaksak at nakapatay kay Batoy.

Ayon sa pamilya ang impormasyong alam nila tungkol kay Martin ay tubong Libon, Albay ito.                    

Lumapit sila sa amin sa paghahangad na makamit ang hustisya at mahuli ang salarin.

Tatlo ang anak na naiwan ni Batoy at pawang maliliit pa lamang ang mga ito.

Nasa ilalim ng espiritu ng alak itong si Martin nang mangyari ang insidente. Maraming nangyayaring hindi maganda kapag ang isang tao ay nakainom.

May kasabihan nga tayo na kapag uminom ka sa tiyan mo ilagay ang alak at hindi sa ulo para walang krimen o gulo ang nangyayari.

Nagtago si Martin kaya’t hindi umusad ang kaso at walang pagdinig na nangyari.

Matapos ang ilang buwan, noong Marso 2017 ay nahuli sa Cavite itong si Martin.

“Marami pong salamat sa paglalathala ng kwento ng pamang­kin ko. Nahuli na ang suspek sa pagkamatay niya,” pahayag ni Enia.

Ngayong nahuli na ang akusado sa kasong ito siguradong magsisimula na ang pagdinig para rito.

Magbibigay ng panig si Martin kung ano ang nangyari nung mga panahong yun. May pagkakataon din siyang ipagtanggol ang kanyang sarili.

Titimbangin itong mabuti para malaman kung ano ang tunay na nangyari at kung sino ang mas kapani-paniwala ay siya ang papanigan.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

Hotline: 09198972854

Tel. No.: 7103618

vuukle comment

ENIA MOJE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with