^

Probinsiya

Bike vs jeep: Binata durog

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines  - Isang 30- anyos na binata ang nadurog matapos na salpukin ng isang pribadong jeep ang sinasak­yan nitong motorsiklo sa Brgy. San Vicente, Santa Maria, Bulacan nitong Lunes ng gabi.

Bali ang mga buto at basag ang bungo na sanhi ng agarang kamatayan ng biktimang si Angelito Fulgencio, 30, ng Sito Gulod, Brgy. San Vicente at idineklara ng mga kagawad ng paramedics na dead-on-the-spot.

Nakadetine at sinampahan na ng kaso ang suspek na si Melvin Evangelista, 30, ng Brgy. Dulong Bayan, San Jose Del Monte City.

Sa ulat ni SPO1 Jayson Taniza, alas-10:30 ng gabi habang binabagtas ng biktima ang lugar patungo sa Brgy. Poblacion lulan ng isang motorsiklong Suzuki Smash (7113-HT) ng nakasalubong ang suspek lulan ng humahagibis na Willy’s Jeep (CCA-644) sa kabilang direksyon nang sakupin ng jeep ang linya ng motorsiklo sanhi upang masalpok nito ang kasalubong na sasakyan. Tumilapon ang biktima ng ilang metro saka tumama ang katawan at ulo nito sa sementadong kalsada.

vuukle comment

ANGELITO FULGENCIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with