^

Probinsiya

Driver, 13-anyos pinabulagta

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY , Philippines  – Bumulagta ang isang habal-habal driver at isang 13-anyos na binatilyo sa magkahilaway na insidente ng pamamaril sa Parang, Maguindanao. Kinilala ni P/Insp. Erwin Tabora, hepe ng Parang Maguindanao Police ang namatay na driver na si Jessie “Kokong” Ilumbra Matood, 31 anyos, may-asawa, at taga Purok Greenhills, Brgy. Making ng nasabing bayan na nagtamo ng tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo nang pagbabarilin ng gunman pasado ala-1:00 ng hapon kahapon. Namamasada ang biktima nang tambangan ng mga salarin sa lugar. Samantala,  dead-on-the-spot  ang isang 13-anyos na binatilyong si Roy Jay Campo habang nakaligtas naman sa pamamaril ang mga kasamahang sina Nielo Lauron, 49-anyos at Carlito Adlawan, 50-anyos kapwa ng Sto. Niño, Tukuran, Zamboanga del Sur. Sa ulat, alas-9:30 kamakalawa ng gabi habang sakay sa pump boat  ang mga biktima sa bisinidad ng Bongo Island na ng tambangan at paulanan ng bala ng ’di kilalang mga suspek.

vuukle comment

JESSIE “KOKONG” ILUMBRA MATOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with