^

PSN Showbiz

Pinoy actors mabilis malaos, Korean actors mas kilala pa!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Associated Press

Muntik ko nang makalimutan ang mga social obligation ko dahil nalilibang ako sa panonood ng aking favorite movies at Koreanovela.

Nararanasan ko na ang mapuyat dahil  sa addiction ko sa mga Koreanovela ‘ha? Naiintindihan ko na ngayon ang pakiramdam nina Gelli de Belen at Vice Ganda na humaling na humaling din sa mga Koreanovela.

Sa true lang, mas kilala ko pa ngayon ang mga Korean actor kesa sa mga baguhang Pinoy actors na ang igsi-igsi ng life span ng mga showbiz career. Hindi pa sila sumisikat, nalalaos agad dahil kung hindi pinagsawaan agad ng fans, biglang lumobo ang ulo dahil nag-feeling sikat kaya turn off ang mga discoverer at tagahanga nila.

Kumpirmado Dongyan, balik-Enca

Confirmed na magbabalik sa Encantadia ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes, bago matapos sa susunod na buwan ang top rating primetime telefantasya  ng GMA 7.

Si Marian ang nag-share ng balita na ikinatuwa ng mga tagahanga nila ni Dingdong na original cast ng Encantadia noong 2005.

Noong nakaraang linggo, nagbigay ng hint si Marian sa Sunday PinaSaya na may magbabalik sa Encantadia pero hindi siya nagbanggit ng pangalan. May mga humula na si Marian ang babalik sa Encantadia dahil sa kanyang naughty smile. Hindi nagkamali ang mga nang­hula dahil mapapanood uli siya at mister niya sa telefantasya ng Kapuso Network.

Andi, hindi nakawala sa Emilio

Emilio rin pala ang pangalan ng mhin na nagpapaligaya ngayon kay Andi Eigenmann at gusto nito na pakasalan sa tamang panahon.

Coincidence na kapangalan ni Emilio Arambulo si Jake Ejercito, ang ex-boyfriend ni Andi at ama ng anak nito na si Ellie.

Juan Emilio ang real name ni Jake na laman uli ngayon ng mga balita dahil sa kanyang petisyon sa korte para mabigyan siya ng visitation rights at joint custody kay Ellie.

Inaabangan ng mahihilig sa kontrobersya ang reaksyon ni Andi sa bagong aksyon ni Jake. Siyempre, inaasahan din na magbibigay ng opinyon si Jaclyn Jose, ang ina ni Andi na gagawin ang lahat para sa apo niya.

Lately, positive ang mga sinasabi ni Andi tungkol kay Jake kaya marami ang nagulat sa balita na may court case ang ex-lovers.

Angelu balik na sa dating hitsura

Ang anak ni Angelu de Leon na si Rafa ang nanalo kahapon sa bagets edition ng Jackpot En Poy ng Eat Bulaga.

Nakalaban ni Rafa si Lucho, ang anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo at ang anak na babae nina Tanya Garcia at Mark Lapid.

Parang kailan lang, sina Juday at Angelu ang pinagtatapat ng fans noong dekada ’90. Ngayon, ang kanilang mga maliliit na anak na lalake ang naglaban sa harmless game na Jackpot En Poy.

Sinamahan ni Angelu si Rafa sa Eat Bulaga guesting nito. Natuwa ako nang makita ko si Angelu dahil normal na normal na uli ang itsura niya bilang magaling na ang kanyang Bell’s Palsy.

Matagal na nagpahinga sa pag-arte si Angelu dahil  hinarap niya ang therapy para sa Bell’s Palsy.

Maayos na maayos na ang kalagayan ni Angelu na starring sa bagong telefantasya ng GMA 7, ang Mulawin vs. Ravena at kasama  ni niya sa new show   ang kanyang perennial partner na si Bobby Andrews.

vuukle comment

PINOY ACTORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with