^

PSN Showbiz

Mga sikat na loveteams loyalista sa Kapamilya

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mga sikat na loveteams loyalista sa Kapamilya

MANILA, Philippines -  Loyalista sa Kapamilya ang mga naglalakihang bituin, kabilang ang mga kinakikiligang loveteams, matapos pumirma ng kani-kanilang mga eksklusibong multi-program contract sa ABS-CBN nitong unang quarter ng taong 2017.

Patuloy na magpapakilig sa iba’t ibang Kapamilya projects ang mga loveteams na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel), Liza Soberano at Enrique Gil (LizQuen), at Kim Chiu at Gerald Anderson (KimErald).

Kasama rin sa mga pumirma ng kontrata ang It’s Showtime at Gandang Gabi Vice host na si Vice GandaNorthern Lights lead actor Piolo PascualA Love To Last  cast members na sina Bea Alonzo, Enchong Dee, at Julia Barretto, ang Wildflower stars na sina Maja Salvador at Joseph Marco, Julia Montes na may upcoming Kapamilya series na  Victims of Love, ang mga host ng Magandang Buhay na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal, I Can Do That stars na sina Pokwang at Robi Domingo, isa sa mga bida ng seryeng The Better Half Shaina Magdayao, Jessy Mendiola ng Banana Sundae, at ang mga aktor at aktres na sina Erich Gonzales, Sam Milby, Isabelle Daza-Semblat, at Richard Yap.

Mainit din ang pagtanggap ng ABS-CBN sa nagbabalik Kapamilya na singer/songwriter na si Ogie Alcasid. Your Face Sounds Familiar Kids ang kasalukuyang proyekto ni Alcasid kung saan isa siya sa mga judge. Pumirma rin ng kani-kanilang kontrata ang mga aktres na sina Bela Padilla at Yassi Pressman. Si Padilla ay kasalukuyang nasa primetime series na  My Dear Heart, samantalang nasa top-rating primetime show naman na  FPJ’s Ang Probinsyano  si Pressman.

Jadine wala raw planong maglayas!

May plano nga ba sina James Reid and Nadine Lustre na lumayas na sa kanilang home studio  (Viva) na nagpasikat sa kanilang loveteam?

Ayon kasi sa isang kausap ko marami na raw siyang naririnig na gusto nang lumipat ng management group ang reel and real loveteam.

Pero mabilis ang sagot ng isang taga-Viva kahapon. Malabo raw mangyari ‘yun. Una may kontrata raw ang mga ito sa Viva Artists Agency (VAA) headed by Ms. Veronique del Rosario Corpus.

Meron pa raw mabigat na rason ang magka-loveteam na ayaw ikuwento ng source ko. “Basta malabong mang­yari ‘yun, hindi ‘yun totoo,” dagdag pa ng source na ang tinutukoy nga ay ang tsismis nga na lilipat ang JaDine sa Star Magic at Cornerstone Management Group.

At least klaro naman pala.

Kasalukuyang nasa US concert tour ang JaDine.

 

vuukle comment

KAPAMILYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with