^

Probinsiya

Misis inutas sa saksak ni mister

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines - Humantong sa kamatayan ng 42-anyos na misis ang maling akusasyon matapos itong saksakin ng kanyang selosong mister sa kanilang bahay sa Purok 3, Barangay Manmuntay, bayan ng Basud, Camarines Norte kamakalawa ng madaling araw. Sa isinagawang imbestigasyon, dumating  ang senglot na suspek na si Eduardo Espina sa labas ng bahay kung saan galit na nagsisigaw na buksan ang pintuan. Hindi akalain ng biktimang si Lorelyn Espina na may hawak pala ng kutsilyo ang kanyang mister at sa kanyang pagbukas ng pintuan ay agad na  sinaksak ito. Nagawa pang maisugod sa Camarines Norte Provincial Hospital subalit idineklarang patay ang biktimang napuruhan sa tiyan. Sa inisyal na imbestigasyon, inakusahan ng suspek na may ibang lalaki ang kanyang asawa kaya ito uminom muna ng alak bago isinagawa ang krimen.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with