^

Probinsiya

2 terorista utas sa encounter

Joy Cantos, Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dalawang miyembro ng teroristang Maute Group ang napatay habang isa naman ang nasakote makaraang makipagsagupaan ang security forces kaugnay sa tangkang karnapin ang sasakyan ng isang negos­yante sa C-3 Road sa Barangay Ubaldo Laya, Iligan City sa Lanao del Norte noong Biyernes.

Kinilala ni Captain Jo-Ann Petinglay, spokesperson ng AFP Western Mindanao Command  ang mga napatay na sina Azzam Ampua Tahir at isang alyas Wowie.

Ayon sa ulat, bandang alas-8:45 ng umaga nang harangin at tangayin ang sasakyan ng 36-anyos na negosyanteng si Athelo Adiong.

Walang nagawa si Adiong at kanyang pamilya na pinababa saka tinangay ng mga armadong terorista ang kanilang sasakyan.

Kaagad namang rumadyo sa tropa ng mga sundalo ang nagpapatrul­yang tauhan ng 4th Mechanized Battalion matapos na humi­ngi ng saklolo ang pamilya Adiong.

Nakorner naman ng security forces ang sasakyan sa kahabaan ng Camague Road  kung saan sumiklab ang bakbakan hanggang sa mapatay ang dalawang terorista.

Arestado naman ang isa pang kasama ng dalawa na si Eyeman Alonto na siyang driver ng sasakyan kung saan nasamsam sa mga napatay ang isang M4 rifle, mga bala  at isa pang cal.45 pistol.

 

vuukle comment

MAUTE GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with