^

Pang Movies

Uge nakakalimutang nasa ibang bansa ‘pag kasama ang BF

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Mas inspired ngayon ang award-winning TV and film comedienne na si Eugene Domingo dahil bukod sa nag-isang taon na ang kanyang comedy anthology show na Dear Uge, happy din siya sa kanyang lovelife ngayon sa isang Italian guy na nagngangalang Danilo na kung tawagin niya ay si Forever.

Noong July 2016 nga raw sila nagkaroon ng opisyal na relasyon pagkatapos ng dalawang taong pagiging constant friends. Mahilig din daw silang mag-travel.

Thankful si Uge dahil napagbibigyan daw siya ng GMA-7 sa kanyang pagbabakasyon.

“We love to travel gusto kong ipakilala sa kanya ang Asia. Habang pinapakilala niya sa akin ang Europe.

“I can settle there and at the same time I can also do my shows. Kasi ganun na rin ang ginagawa namin ngayon.

“Napakabait ng GMA sa akin. They understand my situation.

“I don’t forget my audience. At the same time kasi, aliw na aliw si Forever sa trabaho ko. Napapanood niya ako sa YouTube,” ngiti pa ni Uge.

Hindi raw malilimutan ni Uge ang una nilang pagkikita dahil bukod sa magandang mga mata at ngiti nito, may kakaibang tanong din daw na ibinato sa kaniya si Danilo.

“I really like his sincerity, his eyes, his smile. And there was one question he asked me at hindi ko na nakalimutan—he asked me if I was in love?

“Nagulat ako. Parang naisip ko, ‘How dare you ask me that question?’ But then, I thought, bisita lang ako doon, hindi naman ako puwedeng sumagot nang ganoon. So I said, ‘Are you writing for a tabloid?’ sabay tawa pa niya.

Nakilala na rin daw ni Uge ang pamilya ni Danilo sa Italy na parang mga Pinoy daw ang pamumuhay.

“Parang Pilipino rin sila. Kaya nga sabi ko nakakalimutan ko na nasa Italy ako, na Italyano siya. Kasi pare-pareho lang,” diin niya.

This Sunday, sina Marian Rivera-Dantes at Boobay ang special guests ni Uge sa Dear Uge na may title na Me and Madam.

Aicelle best gift ang tingin kay Mark

Marami ang kinilig na netizens sa napaka-sweet na pagbati ng GMA News Correspondent na si Mark Zambrano kay Aicelle Santos noong kaarawan nito noong February 24.

Pinost pa ni Mark ang birthday greeting niya sa kanyang girlfriend of ten months sa Instagram:

“Happy birthday mahal ko! I pray that God grants you all the blessings so you may continue to share the gifts that he’s blessed you with. Mahal na mahal na mahal kita & I can’t wait for what’s in store for us.”

Sobrang na-touch si Aicelle at nag-reply siya sa post nito.

“Mahal ko, maraming salamat! You are the best gift God has given me this year. Mahal na mahal na mahal po kita @markzambrano.”

Kamakailan ay napili si Aicelle ng UK producers ng musical na Wicked na mag-record ng duet kasama ang British stage actor na si Bradley Jayden. Para ito sa pagbukas ng Wicked sa West End London.

Nagkaroon na ng rehearsal si Aicelle kasama ang musical director ng Wicked London na si Dave Rose.

Noong February 23 ay nag-recording na si Aicelle kasama si Bradley ng duet na As Long As You’re Mine. Si Bradley ang gumaganap na Fiero sa Wicked.

Ang ginawang recording nina Aicelle at Bradley ay magiging part ng series of musical clips ng Wicked called Out of Oz Session.

Pinost pa ni Aicelle sa kanyang Instagram ang isang video kasama si Bradley na may caption na: “Having fun at recording with this talented boy! @bradleyjaden #wickedmanila2017

Nanood din ang buong cast ng Rak of Aegis ng Wicked sa Theater at Solaire at na-meet nila ang buong cast.

David Bowie ginawaran ng awards kahit patay na

Kahit sumakabilang-buhay na, nanalo ng award sa Brit Awards ang legendary rock star na si David Bowie.

Ito ang first time na maggawad ang Brit Awards sa isang artist na pumanaw na.

Dalawang trophies ang napanalunan ng yumaong glam rock star para sa album niyang Blackstar. Ito ay ang British Male Solo Artist at Best Album.

Ang tumanggap ng awards niya ay ang kanyang anak na si Duncan Jones.

Sumakabilang-buhay si Bowie noong January 10, 2016 sa New York City dahil sa sakit na liver cancer.

Ni-release ang kanyang album na Blackstar two days bago siya namaalam.

vuukle comment

EUGENE DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with