^

Probinsiya

2 NPA rebs todas sa bakbakan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa sa grupo ng mga rebeldeng New People’s Army ang napatay makaraang makasagupa ang tropa ng militar sa liblib sa Barangay Jebaca, bayan ng Maayon, Capiz noong Biyernes ng hapon. Sa ulat na nakarating kay Lt. Col. Ericson Rosana ng Army’s 3rd Infantry Division, bandang  alas-3:40 ng hapon nang makasagupa ng Army’s 61st Infantry Battalion ang grupo ng mga rebelde sa pamumuno ni Romulo “Ka Rigan” Gangoso. Gayunman, tumagal ng 30-minuto ang bakbakan kung saan napatay ang dalawang rebelde na patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan. Mabilis na nagsitakas ang mga rebelde patungo sa hindi pa malamang destinasyon na inabandona ang dalawang kasamahang napatay. Walang nasugatan o napatay sa panig ng mga sundalo. Nasamsam sa encounter site ang dalawang shotgun, dalawang hand grenade.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with