UFC ‘di pumayag sa Pacquiao vs McGregor
MANILA, Philippines – Hindi mangyayari ang bakbakang Manny Pacquiao at MMA champion Conor McGregor, ayon sa president ng UFC.
Sinabi ni Dana White na hindi ito matutuloy hangga’t nasa pangangalaga ni Top Rank chief Bob Arum ang eight-division champion na si Pacquiao.
“Listen, I love Manny Pacquiao. But I don’t love Bob Arum. You can tell Arum to save his money and not make any calls over here because we aren’t doing business with him,” wika ni White kay Kevin Iole ng Yahoo Sports.
Hinahamon ni McGregor ang wala pang talong si Floyd Mayweather Jr. ngunit hindi siya pinapansin ng American boxer.
Dahil dito ay nagpahayag ng kagustuhan si Pacquiao na labanan si ang reigning UFC lightweight champion.
Samantala, naka-kontrata si Pacquiao sa Top Rank hanggang ngayong taon kung saan nakatakda naman niyang subukan si Jeff Horn ng Australia sa Abril.
- Latest