^

Dr. Love

Naghahanap ng “dream boy”

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Please, kung maaari po sana ay ikubli n’yo na lang ako sa pangalang White Lily, 20 years old.

Nagtataka ako sa sarili ko kung bakit madali akong manghinawa sa lalaki. Halimbawa, magkaka-crush ako. Kapag niligawan ako ng crush ko ay biglang nawawala ang nararamdaman ko sa kanya.

Ilang beses nang nangyari sa akin ang ganyan. Nagkaka-boyfriend ako pero bini-break ko agad. Minsan may nanligaw sa akin. Akala ko, siya na ang dream boy ko. Iba kasi ang nadama ko sa aking puso nang ligawan niya ako. Hindi nagtagal ay sinagot ko siya.

Maganda naman ang ugali niya at guwapo. Peron naka-ilang date lang kami ay biglang naglaho ang nararamdaman ko para sa kanya. Normal ba ang ganitong damdamin?

White Lily

 

Dear White Lily,

Simple ang kasagutan sa tanong mo. Hindi pa dumarating sa buhay mo ang lalaking talagang magpapatibok ng puso mo. Sa edad na twenty ay medyo mature ka na, pero bata pa rin.

‘Yung mga nararamdaman mo ay maaaring attraction lang dahil guwapo at mabait. Ngunit ‘yung tunay na pag-ibig ay hindi pa talaga dumarating sa iyo. Huwag kang mainip at darating din iyan. Wait lang. Huwag kang magpadalus-dalos sa desisyon dahil ang pag-ibig ay isang sensitibong isyu.

Makipagkaibigan ka muna sa mga lalaking nakakahalubilo mo at huwag i-conclude na umiibig ka kung attraction pa lang ang nadarama mo.  It takes some getting-to-know-you, bago maseguro na umiibig ka nga sa isang tao.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with