^

Bansa

PNP chief bigyan ng 2nd chance – Lacson

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nais ni Sen. Panfilo Lacson na bigyan ng pa­ngalawang pagkakataon si PNP Chief Ronald dela Rosa sa gitna ng pana­wagan na magbitiw na ito dahil sa isyu ng dinukot at pinatay na Koreano sa loob mismo ng Camp Crame.

Sinabi ni Sen. Lacson, mas mabuting bigyan ng second chance si dela Rosa kaysa pagbitiwin sa puwesto.

Aniya, hanggang nga­yon ay buo pa rin ang tiwala dito ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya dapat bigyan siya ng 2nd chance.

Wika pa ni Lacson, ang mahalaga ay nagpapatupad siya ng reporma sa PNP upang magbago ang mga pulis.

Magugunita na ang dinukot na South Korean na si Jee Ick Joo noong Oktubre 2016 sa Angeles City ay sinasabing dinala at pinatay mismo sa loob ng Camp Crame ni SPO3 Ricky Sta. Isabel.

Maging ang ibang senador tulad nina Sen. Kiko Pangilinan at Ralph Recto ay hindi din pabor sa pa­nawagan na magbitiw ang PNP chief.

“He (dela Rosa) should instead focus on doing his work and limit his attendance in social events,” wika ni Pangilinan.

Sinabi naman ni Sen. Ralph Recto, may isang taon pa si dela Rosa bago ito magretiro sa PNP kaya dapat ibuhos niya ito sa paglilinis ng kanilang hanay.

“The bad press you’re getting is due to bad cops. Thus, it can’t be solved by diversionary tactics but by taking out deeply-rooted reasons,” wika ni Recto.

vuukle comment

SEN. PANFILO LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with