^

Krema

Krema (85)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“TAO po! Tao po!’’

Narinig ni Lex ang tawag.

Dumungaw siya sa bintana. Nakita niya sina Dang at Paulo.
“Magandang umaga, Lex. Narito na kami para i-fina­lized na ang napagkasunduan natin,’’ sabi ni Dang.

“A oo. Sige sandali lang.’’

Lumabas ng bahay si Lex. Hinarap ang dalawa.

“Magbabayad na kami ng pauna, Lex. Puwede bang P50K muna. After isang linggo e another P50K uli.’’

Natakam si Lex. Ang laki agad. Wala pang nakukuhang ani e magbabayad agad.’’

“Sure. Sige. Walang problema. Halikayo sa loob. Mainit na. Makapagkape na rin.’’

Naunang pumasok si Lex at niyaya ang dalawa.

“Maupo muna kayo. Pa­sensiya na at pawang upuang kawayan ang gamit dito. Magtitimpla lang ako ng barakong kape.’’

“Aba masarap yang barakong kape,” sabi ni Paulo na nakangisi.

Nagtungo sa kusina si Lex para kumuha ng mainit na kape. Dalawang mug ng kape ang kinuha niya.

Dinala iyon sa dalawang negosyante.

“Hmmm, bango ng barakong kape,” sabi ni Paulo.

“Eto ang asukal. Pasensiya na, walang creamer.’’

“Okey lang ‘yan, Lex. Masarap nga ang black coffee,” sabi ni Dang at sinimulang timplahan ng asukal ang kape. Nagtimpla na rin si Paulo. Humigop agad pagkatimpla.

“Ahhhh, sarap ng kape!’’ Sabi nito.

“Bagong pitas kasi ang kape,” sabi ni Lex.

“Kung ganun, pati  kape e papakyawin namin,” sabi ni Dang.

“Sige. Kayo ang bahala.’’

Maya-maya, inilabas na ni Dang P50K.

“Eto ang paunang bayad. Next week ang kasunod.’’

“Salamat. Wala pa kayong nakukuha e may bayad na.’’

“Ganun talaga kami, Lex.’’

Makaraang humigop ng kape ay naglakad-lakad sa bahay si Dang.

“Sino ang kasama mo rito, Lex?’’ tanong nito.

“Wala. Ako lang ang nakatira rito.’’

Napangiti naman si Paulo sa narinig..

(Itutuloy)

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with